Baby Lilo Huli Sa Videong Kuha Ng Amang Si Philmar Na Cute Na Cute Sa Pagsayaw Kasabay Pa Ang Kapatid Na Si Ellie At Inang Si Andi Eigenmann

Talagang nakakaaliw panuorin ang isang bata na walang pakialam sa kanyang kapaligiran pagdating sa pagpapamalas ng angking kabibohan. At mapapangiti ka sa mga nakaka-aliw na mga talento na unti-unti niyang natutuklusan sa kanyang murang edad.

At para sa bunsong anak ng Kapamilya star na si Andi Eigenmann sa asawang surfer na si Philmar Alipayo na si Baby Lilo game-na-game siya sa pinaka-unang pagsayaw kasama ang ina at kapatid. Sa kauna-unahang pagkakataon ay ipinakita niya ang bagong talento kasabay ang kapatid na si Ellie at inang si Andi.

Sa tulong ng amang si Philmar Alipayo ay nahuli sa camera ang pinakabagong talento ng anak na talaga namang nakakaaliw pagmasdan dahil sa labis nitong kacutean. Sa kuhang video ay mapapanuod ang mag-iina na sumasayaw sa masayang tugtugin habang sinasabayan pa ang sumasayaw sa pinapanuod na video.

Sa Instagram account ni Philmar ay ibinahagi niya ang kuhang video na makikita sina Andi at Ellie na sumasabay sa indak ng tugtugin habang si Baby Lilo naman ay may pataas-taas ng kamay at may pagkembot pa,

“chepoxz Malipayon. this is everything ❤️”, caption pa niya sa naturang video kung saan maririnig pa ang minsanang pagsigaw ng bata dahil sa katuwaan.

Samantala, hindi ito ang unang pagkakataon na kinaaliwan ng netizen ang 11 buwan na si Baby Lilo pagdating sa kanyang mga nakakatuwang moment. Sa katunayan noong 10 buwan pa lamang ang cute na baby ay kinabiliban ito ng ilang mga netizen ng minsang isama ng kanyang ama sa pagsusurf. Makikita si Baby Lilo na matapang na nakasakay sa surfboard na pagmamay-ari ng kanyang amang si Philmar.

Ilang mga netizen ang labis na natuwa sa mga cute na talent ni Baby Lilo na Keliana Alohi Eigenmann Alipayo ang tunay niyang pangalan,

“vee3292020 – 🤣🤣🤣Ang cute ng mga babies mo lalo na si ate, she’s growing fast at si bunso naman prang living doll ❤️❤️❤️”,
“momshielyn16 – Grabi ang cute ni lilo 😍🤗🤩😍❤️❤️❤️❤️”,
“xx.rexieee.xx Ang cute nyooo 😭❤️Hello lilo, galing sumayaw ng baby”,
“bemarimarjunli – My favorite girls, hope nanjan din si grandma kasi siya yong original favorite ko. Ms Jaclyn. ❤️😍”,
“annakristeta Nkaka aliw ung pwet ni baby 😊 hang cutie 😁”.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *