Ang pagpapalaki ng mga anak ang isa sa pinakamahirap na obligasyon ng isang magulang dahil dito nagsisimulang mahubog ang kanilang pagkatao. At bilang isang magulang ang tanging nais natin ay lumaki silang mabuting tao.
Hangad rin ng isang magulang na maibigay ang mga pangangailangan at nais ng mga anak. Kaya naman, may ilang mga magulang nga na ibinibigay ang lahat ng naisin ng kanilang anak kahit pa napakamahal ng halaga nito. Ngunit, mayroon din namang mga magulang na tinuturuang makontento ang kanilang mga anak sa anumang bagay na mayroon sila at mamuhay lamang ng simple.
Kagaya na lamang ng aktres na si Andi Eigenmann na mas pinili na wag maging spoiled ang kanyang dalawang anak sa mga mamahaling bagay, lalo na sa mga laruan.
Ang aktres na si Andi Eigenmann ay iniwan ang marangyang pamumuhay at kasikatan sa industriya ng showbiz upang mamuhay ng simple at tahimik sa isla, kasabay nito ay nais rin niyang magawa ang mga nais niya ng may kalayaan. At kagaya niya, nais rin niya na makontento ang kanyang mga anak sa simpleng buhay sa isla kung saan ay hindi kinakailangan pa ng mga mamahaling bagay upang maging masaya.

Sa edad ngayon ng mga anak ni Andi na sina Ellie at Baby Lilo ay sabik ang mga ito sa laruan, ngunit mas pinili ni Andi na huwag bilhan ng mga mamahaling laruan ang kanyang mga anak, bagkus ay tinuruan at sinanay niya ang mga ito na maglaro gamit lamang ang mga bagay na maaaring ibigay ng kalikasan.

Sa katunayan pa nga nito, ay ipinamigay na niya sa mga nangangailangan ang mga laruan ng panganay niyang anak na si Ellie upang makasanayan nito ang paglalaro ng mga bagay na mula sa kalikasan gaya ng mga kahoy na laruan.
Samantalang ang bunsong anak naman niyang si Baby Lilo ay nasanay na rin sa paglalaro ng mga bagay na mula sa kalikasan kagaya na lamang ng buko o kaya naman ay maliliit na sanga ng punong kahoy.
Ang pamumuhay sa isla ay napakasimple at ang nais ni Andi para sa mga anak ay makasanayan ang buhay na mayroon sila sa isla. At naniniwala siya na hindi naman kinakailangan pa ng mamahaling bagay upang maging masaya.

Ito nga ang proud na ibinahagi ni Andi sa kanyang Instagram, at kalakip nito ang larawan ng kanyang anak na si Baby Lilo habang nakahiga sa duyan at masayang nakangiti kung saan makikita naman sa background ang napakagandang tanawin ng dagat sa isla.
Talaga nga namang maayos ang paraan ng pagpapalaki ni Andi bilang isang ina sa kanyang mga anak upang ang mga ito lumaking mga mabubuting tao.
“I dont believe in showering my kids with so many toys (specially at this age). Although I wasn’t always this type of parent. But when I switched to a more minimal life, Ellie also decided to donate her toys to those in need. And I just love what kind of person it has helped her become. It made me realise how it teaches them to value the things that they own, and take good care of it. Also, it definitely lessens our carbon footprint.”