Sino ba naman ang hindi hahanga sa simpleng pamumuhay mayron ngayon ang aktres na si Andi Eigenmann. Hindi nga naman naging madali para sa aktres ang iwan ang marangyang pamumuhay at kasikatan sa industriya ng showbiz, ngunit sa loob ng halos dalawang taong panananatili sa isla ng Siargao ay makikita ang malaking pagbabago sa kanyang pamumuhay na bagama’t simple ay punong-puno naman ng saya at kulay kasama ang kanyang pamilya.
Sa isla na nga ng Siargao natagpuan ni Andi ang kaligayahan na hinahanap sa buhay kung saan ay nakita niya ang kapayapaan at kalayaan na matagal na niyang hinahangad. Sa bawat araw na pananatili sa isla ay mas lalo namang pinapabilib ni Andi ang kanyang mga tagahanga sa mga bagay na kanyang natututunan sa simpleng pamumuhay sa isla.
At kamakailan lamang ay maraming natakam sa masarap na luto ni Andi na pinaksiw, ito nga ang paboritong ulam ng aktres sa isla. Ipinasilip nga ni Andi sa kanyang mga tagahanga kung paano magluto ng masarap na pinaksiw ang mga taga-Siargao.
Sa kanyang vlog na pinamagatang “Catch Clean Cook: Our Favorite Pinaksiw”, masaya ngang ibinahagi ni Andi na ang kanilang pananghalian sa araw na iyon ay ang paborito niyang ulam na pinaksiw. Magmula nga sa sariwang isda na huli ng kanyang partner na si Philmar hanggang sa kanilang masayang salu-salo sa hapag-kainan ay ibinahagi ni Andi sa kanyang mga tagahanga.
Makikita sa video na ang partner niyang si Philmar ay kagagaling lamang sa laot upang manghuli ng isda. At dala-dala na nga ni Philmar ang mga sariwang isda na nahuli sa pamamagitan ng pamamana na magiging ulam nila sa pananghalian.
Matapos naman nito, ay ang paglilinis ng isda kung saan ay mismong si Andi pa ang naglinis at makikita naman na enjoy na enjoy ito sa kanyang ginagawa.
Sa loob ng halos dalawang taong paninirahan sa isla ay natutunan na rin ni Andi ang pagsasalita ng Siargaonon kaya nang bumili sila ng suka bilang sangkap sa pinaksiw ay nag-uusap sila ni Philmar ng Siargaonon. Maging sa pagtukoy ng iba’t ibang klase ng isda ay salitang Siargaonon rin ang ginamit ni Andi.
“Here on the island, they love eating small fish like these. So I learned to eat them as well and now they are my fave.”
At nang handa na ang lahat ng sangkap sa pagluluto, ipinakita naman ni Andi ang paraan kung paano lutuin ang paborito niyang pinaksiw.
Talaga nga namang napakasarap ng pagkakaluto ni Andi ng pinaksiw dahil nang oras na ng kainan ay makikitang sarap na sarap sa pagkain ng pinaksiw ang bawat isa sa kanilang hapag-kainan.