Alessandra de Rossi Inihayag Ang Rason Kung Bakit Hindi Siya Sumasali Sa Mga Rally Para Sa ABS-CBN

Isa sa mga trending na usapin ngayon sa social media ay ang paglahok ng mga artista ng Kapamilya network sa mga kabi-kabilang mga protesta o rally. Ito ay matapos mapagdesisyunan kamakailan ang tuluyan ng pag shutdown ng media giant ABS-CBN na nagdulot ng pagkawala sa trabaho ng marami nilang manggagawa.


Nangunguna na nga dyan ang aktres na si Angel Locsin, na tinaguriang real-life Darna ng publiko dahil sa pagiging aktibo nito sa mga programang naglalayong matulungan ang ating kababayan sa oras ng kagipitan.

Mayroon din naman na idinaan nalang ang kanilang suporta sa pag post ng kanilang mga opinyon at ang iba naman ay dasal para sa ikabubuti ng kapakanan ng mga apektadong manggagawa ng ABS-CBN.

Kagaya na lamang ng ‘Through Night and Day’ lead actress na si Alessandra de Rossi, kaya naman may mga ilang netizens ang nagtanong sa kanya kung bakit hindi ito sumasama sa mga protesta o nanahimik nalang sa mga isyu na naganap sa dati nitong network.

Sa kanyang Twitter account nga ay nagpaliwanag si Alessandra na kaya hindi siya pisikal na dumadalo sa mga rallies ay dahil na rin sa banta ng COVID-19 na maaring makuha ng kahit sino pa man sa mga ganitong pagtitipon.

“May covid… Maawa ka. Tsaka di ako okay (mentally) pag madaming tao. Birthday party nga, di ako umaattend, rally pa?”
Dagdag pa niya, “Di ako asar pero di rin ako nagjojoke. Hating hati na tayong lahat dahil sa mga interest na pang personal, pang mahal sa buhay, pang tama at mali. At this point, pag lumaban ka, mayabang ka. Pag nanahimik ka, wala kang paki. Pag pray ka na lang, inasa mo kay Lord. Yung totoo?”


Nagpahayag din ang aktres na ito ang kanyang personal stand dahil alam nya ang panganib na dala ng sakit na ito, lalo pa’t hindi natin nakikita kung sino ang may dalang virus sa pagtingin lang sa mga tao.

“Ako pa ba? Kaya nga madami nagiisip maldita ako dahil pag tama ako, di ako takot magsabi ng totoo at magmukhang mali. Pero yung covid ay wala akong xray vision para dyan. Yung totoo, takot ako dyan. Wala akong planong makausap sya ng personal. Wala akong planong matalo dyan.”

Bukod pa dito ay pabiro din na nagsabi si Alessandra na wala pa di umano siyang sapat na savings para sa pagpapaospital. Hindi pa rin daw niya tapos bayaran ang kanyang insurance na para sa kanyang ina sana kaya wala siyang pagsisisihan dahil ang gusto nya lang naman ay manatiling ligtas, buhay at gawin ang kanyang makakaya.
Manage

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *