Alessandra de Rossi, Inaming Muntik ng may Makaaway sa Iceland sa “Behind the Scene” ng Pelikulang Through Night and Day

Sino nga ba ang hindi makakarelate sa ganda ng istorya ng pelikulang “Through Night and Day” na pinagbibidahan ng mga mahuhusay na artista na sina Alessandra de Rossi at Paolo Contis. Marami nga ang humanga at napaiyak sa takbo ng kwento ng pelikula dahil sa hindi inaasahan nitong ending nang mapanood ito sa Netflix.



Ang mga netizens nga ay halos mapuno ang kanilang social media account ng mga post patungkol sa napakagandang pelikula. Maging ang mga sikat na artista sa showbiz ay humanga rin sa mahusay na pagganap nina Alessandra at Paolo sa kanilang papel na ginampanan. Katulad na lamang nina Kapuso Comedy Queen Aiai delas Alas na napaiyak sa napakagandang istorya ng pelikula at Allan K na nagpost naman ng eksena ng nasabing pelikula sa kanyang Instagram.

Photo credits: google.com 

Samantala, matatandaan na noong July 12 ay ibinunyag ni Alessandra na siya mismo ang nakaisip ng magiging takbo ng kwento ng pelikulang ‘Through Night and Day”. At ayon kay Alessandra, ay mas lalo pang gumanda ang mga eksena dahil na rin sa tulong ng mahusay na screenwriter na si Noreen Capili at magaling na director na si Direk Veronica Velasco. Kaya naman, nang mabuo nga ang kwento ng pelikula at mapanood ito ng publiko ay talaga namang hinangaan at marami nga ang mga matang pinaluha ng mga nakakaantig na eksena. Hindi naman nagsisisi ang aktres na nagpakalbo siya upang kanyang magampanang mabuti ang kanyang karakter sa pelikula.

Photo credits: google.com

Ngunit, lingid sa kaalaman ng mga manonood at mga tagahanga, may eksena pala sa pelikula na hango sa totoong buhay. At ito nga ang ibinunyag ni Alessandra sa kanyang twitter account.



Ayon kay Alex, habang naghahanap siya ng magandang location sa Iceland para sa shooting ng pelikula kasama ang kanyang kaibigan ay may nakaaway umano siyang Pilipina. Ito nga ay matapos niyang ikumpara ang isang lugar sa Iceland sa magandang tanawin ng Batanes. Laking gulat na lamang ng aktres ng humarap sa kanya ang Pinay na ito at sinabi:

‘I paid so much for this trip, you know. I can’t believe you’re comparing Iceland to the Philippines!’

Ang eksenang ito nga ay isinama ni Alex sa pelikula kung saan may nakaaway siya at nakipagsagotan pa siya upang mainis sa kanya ang karakter ni Paolo bilang si Ben.

Photo credits: google.com

Ang napakagandang istorya ng pelikula ay iniaalay niya sa aktor Empoy Marquez, ang nakatambalan niya sa Indie film na “Kita Kita”, ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay hindi ito ang napili upang gumanap ng karakter ni Ben at maging leading man niya sa pelikula kundi ang aktor na si Paolo Contis. Bagama’t, hindi si Empoy ang naging katambalan niya sa pelikulang ito, mahusay naman niyang nagampanan ang kanyang karakter. Maging ang aktor na si Paolo Contis ay ginalingan rin ang pag-arte sa pelikula. Kaya naman, ang maganda nilang tambalan sa naturang pelikula ay inulan ng papuri at paghanga mula sa kanilang mga tagasuporta at tagahanga.

Photo credits: google.com

Noong taong 2018 pa ipinalabas sa mga sinehan ang pelikulang “Through Night and Day”, ngunit hindi ito pumatok sa mga manonood. Ngunit, sa pagsapit ng taong 2020 ay halos wala ng pagsidlan ng kaligayahan si Alessandra sa dami ng mga taong nanonood at humahanga sa ganda ng pelikula. Kaya naman, labis ang kanyang pasasalamat sa mga taong patuloy na tumatangkilik ng kanilang pelikula at nagpapasalamat rin siya sa mga taong walang sawang sumusuporta sa kanila.