Aktres Na Si Angel Locsin Matapang Na Sinagot Ang Isang Netizen Na Pumuna Sa Katawan Niya: “Katawan Ko ‘To, Ako ‘To, Sarili Ko ‘To”

Sa panahon natin ngayon bawat ibahagi mo sa social media mapa-mensahe man o larawan ay hindi maaring walang magbigay ng kanilang sariling komento. At marahil dahil sa pananaw na ito ay freedom of expression lamang hindi maiiwasan na makapagbitaw ka ng komento na hindi nakakatuwang pakinggan.

At para sa aktres na si Angel Locsin hindi niya napigilang hindi sagutin ang isang netizen na pumuna sa kanyang katawan. Masasabing nag-ugat ang nasabing hindi magandang komento ng netizen bunsod ng mga bagong larawan ni Angel sa kanyang social media. Makikita sa nasabing uploaded na litrato na proud ang magandang aktres sa kanyang bagong pigura ng katawan.

Matapang na sinagot ng “The General’s Daughter” actress ang netizen na nagkomento sa pagkadagdag ni Angel sa kanyang timbang sa kasalukuyan. Sa kanyang social media account ay matapang na sinagot ng ‘Real-life Darna’ ang netizen,

“Kung iisipin mo, parang maaawa ka na lang sa tao kasi anong klaseng person ka para magawa mo yun? Perfect? Perfect ka? Sobrang perfect mo?”
“So itong taong ‘to, comfortable siya na ginagawa niya ‘yan, parang ayoko mag-deal sa mga ganung klaseng mga tao. Kasi ang sad, ang sad ng life niya.”
“May mga bagay kasi na hindi mo dapat gawin sa kapwa mo. Kung ang taong ito comfortable siya sa ginagawa niyang ‘yan, ayaw ko mag-deal sa mga ganu’ng klaseng tao.
Kasi sad ang life niya. Kasi ako, wala akong problema. Bakit ikaw ang dami mong isyu? Ako nga, walang isyu, eh. Katawan ko ‘to, ako ‘to, sarili ko ‘to”, matapang na mensahe dito ni Angel.

Samantala, ipinaliwanag ng 35 taong gulang na dalaga na ang pagkadagdag ng timbang niya ay bunsod ng disc bulge isang uri ng injury sa spinal cord na matagal na niyang iniinda sa katawan.

Ilang mga tagahanga naman ni Angel ang nagpaabot ng suporta sa idolo,

“Angel Locsin is a living-proof that weight doesn’t define beauty. You’re such an inspo specially to those pluz-size women.
SELF-LOVE IS THE KEY. – @xxmastersenpai

“My admiration for Angel Locsin goes beyond her physique. I will always love looking (staring) at her angelic face, listening to her calming voice, and learning about her humanitarian efforts. She’s not bothered so why should we?” – @friendyy1213

“Nowadays, it is undeniable that people judge because of someone’s physical body. C’mon! Ms. Angel Locsin is more than what you see outside. She lives purposefully. She goes out to help people in pain. She’s more attractive because of that. I stan the real angel!” — @_souldredging

Patunay lang na hindi lamang sa kagandahang taglay lang hinangaan ang isang Angel Locsin kung hindi sa kanyang mga pananaw at layunin sa buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *