Aktres-Mommy Andi Eigenmann Ibinahaging Natuto Na Siyang Maging Mahinahon Pagdating Sa Emosyon: “I Learned Long Ago”

“As a mama, I’m not perfect. I make mistakes. I forget things, I lose my cool And somedays I go a little crazy But, it’s okay because in the end, no one could ever love my child the way I do.”,



Talagang masasabing hindi ganoon kadali ang maging isang ina. Maraming bagay ang kailangan niyang harapin para matugunan ang pangangailangan ng kanyang pamilya lalo na ng mga lumalaking mga anak mapa-pisikal o emosyonal nilang pangangailangan.

At para sa mommy-aktres na si Andi Eigenmann masasabing nagawa na niyang malampasan ang ilan sa mga dapat pagdaanan sa pagiging isang ina. Sa pagpapalaki sa kanyang dalawang anak ay nagawa na niyang maging mahinahon lalo na sa pagkakataon na nakakagawa ito ng mga kamalian.

Ibinahagi ni Andi ang kasalukuyang naranasan sa pagpapalaki sa anak niya na si Baby Lilo. Ayon sa aktres ikinasama niya ng loob ang hindi sinasadyang pagkamantsa ng mga anak sa kanilang bedsheet ng minsang maiwanan niya ang mga ito.

Sa kanyang Instagram ay ibinahagi niya na naiwanan niya ang magkapatid at hindi niya naisip na paglalaruan nila ang marker lalo na si Baby Lilo na siyang nakapagmantsa sa kanilang bedsheet,

“Mom life at its finest. I was really upset that Lilo stained my best sheets with a marker. And that Ellie, on the other hand, let her play with her pens! But just as I was reminded by my partner, that it was my bad for not being as attentive as I should’ve been?“, pagbabahagi pa niya.

Samantala, tanggap naman niya na hindi talaga ito kasalanan ng mga anak dahil sadyang mga bata pa ito. At maging ang asawang si Philmar ay pinaalalahanan siya na kailangan talagang mas binabantayan pa ang mga anak na sina Ellie at Lilo.

At para sa “Agua Bendita” sa halip na magmukmok sa sama ng loob ay idinaan na lamang niya ito sa pagligo upang makapag-isip at marelax na rin,

“all I could do is to try and forget about it for a minute, I decided to cool down by doing my fave/most achievable form of self-care— taking a nice warm shower!”, sabi pa ng magandang aktres.



Sa kabilang banda, ayon sa 30 taong gulang na aktres isa sa mga nakakapagpasaya sa kanya na sa kabila ng mga pagkakataon na sumasama ang kaniyang loob ay ang masayang pakiramdam ng pagiging ina. Dahil makalipas lamang ang ilang sandali matapos na mamantsahan ng magkapatid ang bedsheet nila ay kaagad itong sumunod sa kanya habang kasalukuyan pa siyang naliligo,

“After a few seconds, I turn around and see these two making faces in the glass door ?. This is what it means to be a mom of little kids. You get no privacy whatsoever but you’ll love it anyway,” she stated.

Makikita ang larawan ni Lilo at Ellie na ayon sa kay Andi ay muli niyang pinagawa sa mga anak ang eksaktong ginawa nilang “making faces” noong kasalukuyang siyang naliligo dahil hindi niya dala ang cellphone kung kaya’t pinaulit sa mga anak dahil sa labis na katuwaan.

Para sa Kapamilya star isang bagay ang kanyang matagal ng natutunan na huwag kaagad na gagawa ng aksiyon lalo na kung tungkol sa mga nararamdamang emosyon at dapat itong pag-isipan ng husto.,

“I usually get comments on how ‘chill’ I see to be as a parent. I learned, long ago, how being so impulsive can just ‘cause a lot of pain (on yourself and others). So it’s really important to assess your feelings first before expressing them”, caption pa niya sa isang larawan.