5 Pinoy Celebrity Proposals Na Naganap Sa Gitna Ng Community Quarantine

Ang kasal ay isa sa maituturing na pinaka mahalagang event sa buhay ng isang tao dahil ito ang araw kung saan ang kanyang relasyon sa kanyang partner ay magiging opisyal na rin sa wakas.

Maraming uri ng kasalan ang nagaganap sa iba’t ibang bahagi ng ating bansa, may kasalan tradisyunal o alinsunod sa kultura ng tao na ikakasal, mayroon din naman yung mas simpleng paraan pagpapakasal o civil wedding ceremonies at ang isa pa sa pinaka madalas nating makita sa mga palabas, walang iba kundi ang church wedding na talaga namang pangarap ng maraming kababaihan.

Ngunit dahil nga sa krisis na kinakaharap ng buong bansa at maging ng buong mundo, isa ang mass gatherings o ang maramihang pagtitipon para sa isa sa isang okasyon sa ipinagbawal ng gobyerno. Ito ay upang maiwasan ang mabilis na pagkalat ng Covid-19 na madaling maipasa sa mga matataong lugar. Kung kaya naman maraming Pinoy couples ang pansamantalang ipinagpaliban muna ang kanilang planong magpakasal ngayong taon dahil na rin sa banta ng nakahahawang sakit na ito.



Gayunpaman, meron pa ding iilan na hindi nagpatinag na ipahayag ang kanilang damdamin sa kanilang mga longtime partners at itinuloy pa rin ang kanilang wedding proposal kahit pa tayo’y nasa ilalim ng community quarantine.

Ilan sa kanila ay ang mga kilalang personalidad sa showbiz na masayang ibinahagi ang big news na ito sa kanilang fans at followers sa social media.

1. Ritz Azul at Alan Guwi

Nakaraang June 21 ay ibinahagi ng Kapamilya actress na si Ritz Azul sa kanyng Instagram account na engaged na siya sa kaniyang non-showbiz boyfriend na si Allan Guy. Base sa mga ulat, naganap di umano ang proposal ni Guy sa 26 anyos na aktres sa Lipa Batangas.

2. DJ Mo Twister at Angelicopter

Ginamit naman ng kilalang disc jockey na si DJ Mo ang kanyang live radio-show podcast upang mag-propose upang magpropose sa kanyang longtime partner na si Angelika Schmeing o mas kilala ng kanyang mga taga hanga bilang si Angelicopter. Nito lamang Mayo ay nagpanggap si DJ Mo bilang isang caller na humhingi ng payo ke Schmeing at dito na nga niya tinanong kung payag ba ito na magpakasal na sila.



3. Laura Lehmann at Von Pessumal

Ang kilalang beauty queen naman na si Laura Lehmann ay finally engaged na rin sa kanyang longtime partner na si Philippine Basketball Association (PBA) star Von Pessumal, manlalaro ng San Miguel Beermen. Sa Instagram post nga noong Mayo ay kinumpira ni Miss World Philippines 2017 na sila ay “locked down forever” na sa isa’t isa.

4. Nikko Ramos at Bea Fabregas

Sa bahay naman naganap ang engagement ni Magic 89.9 DJ Bea Fabregas at ang kanyang nobyong si Nikko Ramos na isa namang Editor-In-Chief ng Slam Magazine. Matatandaang noon Marso naganap ang nasabing home quarantine proposal kung saan ipinost ni Nikko ang isang nakakakilig na short video clip sa kanyang Instagram account.



5. Mark Herras at Nicole Donesa

Sa kaniyang Instagram post din ibinagi ng Kapuso actor na si Mark Herras nakaraang Hunyo 5 lamang na nagpropose na siya sa kaniyang girlfriend na si Nicole Donesa. Matatandaan na umamin ang celebrity couple na sila ay magkasintahan na noong Agosto nang nakaraang taon, matapos nilang maging magkatrabaho sa isang show sa GMA 7.