“Libre lang ang mangarap” iyan ang mga katagang madalas nating marinig mula sa mga taong nakapaligid sa atin. Bagamat tama ito dahil wala naman pwedeng magbabawal sa atin kung hanggang saan aabot ang ating imahinasyon, mas mainam pa rin na samahan ng sipag at tiyaga upang maabot ang mga ninanais natin sa buhay.
Isa marahil sa madalas natin isipin noong tayo ay mga bata palang ay ang magkaroon ng maraming salapi pagtanda. Mas marami kasing bagay tayong pwedeng magagawa pag meron nito, ngunit habang nagkakaedad tayo ay narerealize natin na hindi pala gaanong kadali itong makamit.
Kung kaya’t ganun na lamang ang paghanga natin sa mga tao na naisakatuparan ito lalo pa kung nakamit nila ito sa napakamurang edad.
Isa nga rito ay ang tinaguriang pinakabatang bilyonaryo sa Australia na si Melani Perkins, sa pa edad lamang na 32 ay isa na siyang CEO/co-owner founder ng graphic design and publishing tool na “Canva.” Mas namangha pa nga ang marami sa ating kababayan matapos nilang malaman na may lahi palang Pinoy ang nasabing pinakabatang bilyonaryo.
Ang Canva ay isa sa mga sikat na tools ngayon ng ginagamit online kung saan maari kang magdesign at magpublish ng iyong mga likha. At dahil nga sa kasalukuyang krisis na dinaranas ng buong mundo, mas maraming tao pa ang nahikayat gumamit nito para sa kanilang mga trabaho kagaya ng paggawa ng mga social media content, collaboration at pagcreate ng mga designs.
Tinatayang lagpas na sa 30 milyon na ngayon ang gumagamit ng Canva sa iba’t ibang parte ng mundo at inaasahang madadagdagan pa. Kaya naman ngayong taon ay tumaas pa ang value ng nasabing platform ng halos $6 billion at $2.5 billion habang nasailalim tayo ng Covid-19 pandemic.
Dahil dito ay hinirang si Perkins bilang ang pinakabatang bilyonaro at nakuha rin niya ang ikatlong pwesto sa pinakamayamang babae sa kanilang bansa. Sa kabuuan naman ay pang 82 siya sa pinakamayan sa buong Australia dahil sa kanyang net worth na $1.32 billion.
Ayon nga sa kanya: “I think that’s the most important thing because once you find a problem you want to solve passionately, there’s gonna be so many barriers – every single barrier you can possibly imagine. I think that once you get a crystal clear picture of the problem you want to solve, that’s sort of step one.”