Matapos nga ang kontrobersyal na kasalang Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo noong Pebrero, ngayon nga ay masaya nang nagsasama sa iisang bubong ang mag-asawa. At sa pagdaan nga ng bawat araw ay lalo pang tumitibay ang pagmamahal nila sa isa’t isa.
Sa paglipas rin ng panahon ay mas lalo pa nilang nakikilala ang isa’t isa, gaya na lamang ng kung anong nais at ayaw ng bawat isa. Ngunit, tila naman masayang-masaya si Sarah sa piling ng asawang si Matteo dahil palagi siya nitong binubusog ng pagmamahal.
Isa naman sa nakahiligan at naging libangan ni Matteo habang nananatili sa loob ng kanilang tahanan ay ang pagluluto. At kamakailan nga ay muling ipinamalas ni Matteo ang angking galing sa pagluluto sa kusina ng kanilang tahanan nang ipagluto niya ng masarap na pagkain ang asawang si Sarah Geronimo at ilan niyang kaanak.
Ang mga masasarap ngang pagkain na inihanda ni Matteo para kay Sarah ang tampok sa kanyang vlog na pinamagatang “Kitchen Takeover”, noong nakaraang Martes. Mapapanood sa kanyang vlog na abala siya sa paghahanda at pagluluto ng mga masasarap na pagkain.
Ilan nga sa mga ito ay pasta, pizza, baked tuna, at steamed shrimp and fish na talagang nakakatakam sa sarap. Tiyak naman na mapapasarap ang kain ng pamilya ni Matteo at asawang si Sarah dahil sa masarap niyang luto. Hindi maitatanggi na mas lalo pang minamahal ni Sarah si Matteo sa mga bagay na ipinapamalas nito araw-araw.
Maliban sa pagiging aktor, at 2nd Lieutenant sa Armed Forces of the Philippines, ay isa ring restaurateur o may-ari ng restaurant si Matteo.
Marami na nga ang nakapanood sa vlog ni Matteo at umabot na ito ng halos 22,000 na kung saan ay hinangaan ang angking galing ni Matteo sa pagluluto. Kaya naman, ang nasabing vlog ng aktor ay umani ng positibong komento mula sa mga tagahanga ng mag-asawa.
Talaga nga namang kahanga-hanga ang mag-asawang Matteo at Sarah sa kanilang pagmamahal sa isa’t isa. Araw-araw rin namang ipinaparamdam ni Matteo ang wagas niyang pagmamahal sa asawang si Sarah. Tunay nga na napakapalad ng bawat isa at sila ang pinagtagpo ng tadhana.