Marahil, ang ilan sa ating mga kilalang personalidad sa industriya ng showbiz ay wala ng panahon pa upang gumawa ng gawaing bahay dahil na rin sa kanilang pagiging abala sa trabaho kung kaya’t kumukuha na lamang sila ng mga kasambahay para gawin ang mga gawaing bahay.
Ngunit, ang mister ni Mariel na si Robin Padilla, bagama’t abala sa kanyang trabaho at may mga kasambahay na ay nagagawa pa rin niyang tumulong at gawin ang mga gawaing bahay sa kanilang tahanan. Ibinahagi ni Mariel na kung kaya namang gawin ni Robin ang isang bagay, hindi na nito iniuutos pa sa mga kasambahay. Ayon pa kay Mariel, napakahands umano ng mister na si Robin lalo na sa kanilang mga anak.
Sa Instagram, ibinahagi nga Mariel ang kasipagan ng asawa. At isa sa pinagkaabalahan nito ay ang pagtatanim na maging ang anak na si Isabella ay nakahiligan na rin ito. Ito na rin ang isa sa mga bonding moments nilang mag-ama.
“Today’s bonding activity: planting @mariaisabelladepadilla @robinhoodpadilla,” saad ng post ni Mariel.
Maging ang pagpipintura at paglilinis ng playing area ni Isabella ay mismong si Robin rin ang nagtrabaho.
“A little before Ramadan started Robin was working on a project. First it was only to clean the mats of Isabella’s play area because the bats would poop on it.
Then he said that this was his unfinished job and decided to paint the protective rubber mats in the play area (they were black and really dusty) so from cleaning, putting the primer, painting on rubber (which is extra hard because we didn’t have proper materials/tools due to the ecq) and cleaning again… Robin did it all,” kwento pa ni Mariel.
Ang naturang play area ni Isabella ay napuno ng dumi ng paniki ngunit ang lahat ng amoy ay tiniis ni Robin upang mapaganda at malinis ang palaruan ng anak.
“Some nights he worked alone, some days may tulong… but he really endured all the paint smell and everything… all for Isabella and Gabriela. Today Isabella went to the play area and saw what her dad did for her,” sambit pa ni Mariel.
Kaya naman, nang makitang maglaro si Isabella sa napakagandang play area ay labis naman ang kasiyahan ni Robin at napawi ang lahat pagod sa pagtatrabaho rito nang masilayan ang tuwa at ngiti sa mga labi ng anak.
Kahanga-hanga si Robin sa pagiging hands-on sa kanyang mga anak na hangga’t kaya niyang gawin ang mga bagay ay ginagawa niya ng wala ang tulong ng iba. Makikita rin sa dedikasyon ni Robin ang kanyang labis na pagmamahal sa pamilya at sa kanyang mga anak. Good job Robin!