Korina Sanchez, Ipinasilip Ang Kanilang Napakagandang Tahanan Na Binigyang Kulay Naman Ng Kanilang Kambal Na Anak

Talaga nga namang ang pagkakaroon ng mga anak sa isang pamilya ay biyayang maituturing, sila ang nagbibigay ng saya at kaligayahan sa mga taong nasa loob ng tahanan. At ang bawat sulok ng bahay, ay napupuno naman ng galak dahil sa mga nakakatuwang mga bata. Kaya naman, bilang magulang ay hindi matatawaran ang kaligayahang hatid ng pagkakaroon ng mga anak sa tahanan.

Labis nga ang nararamdamang kaligayahan ng mag-asawang Korina Sanchez at Mar Roxas magmula ng dumating sa buhay nila ang kanilang kambal na anak na sina Pepe at Pillar. Ang kanilang tahanan ay napuno ng saya at naging buhay na buhay dahil sa kambal. Bawat sulok ng kanilang tahanan ay tila napupunan ng mga masasayang ngiti ng kambal.

Ang kambal na sina Pepe (Pepe Ramon Gerardo Manuel Denzel Sanchez Roxas) at Pilar (Pilar Judith Celia Esther Korina Sanchez Roxas) ay ipinanganak sa Amerika noong Pebrero 12, 2019 at matatandaan na iniuwi ng mag-asawa ang kambal sa Pilipinas noong Abril 1, 2019.

Samantala, ang ina ng kambal na si Korina ay ipinasilip ang kanilang tahanan na ngayon ay punong-puno na ng saya at kaligayahan na hatid ng kambal.




Ang masayang tahanan nina Korina ay matatagpuan sa Araneta-Roxas compound sa Cubao, Quezon City. Ang naturang compound ay binansagang “Bahay na Puti”, kung saan nakatayo ang kanilang napakagandang bahay na may dalawang palapag na kung saan ay dating bachelor’s pad nina Mar at yumaong kapatid nito na si Dinggoy.

Madalang na lamang umalis ng kanilang tahanan si Korina, kung kaya’t ang unang palapag ng bahay ang nagsisilbi niyang meeting area. Ang unang palapag ay may napakalawak na espasyo kung saan matatanaw ang magandang tanawin sa hardin. Samantalang, sa pangalawang palapag naman matatagpuan ang kanilang mga kagamitan sa bahay at dito na rin nananatili ang kanilang anak na kambal.

OFFICE

Ang opisina ngayon ni Korina ay nagsisilbing dining at living area ng kanilang tahanan. Dito na rin niya kadalasang dinadala ang kambal kapag may mga bisitang nais makita ang mga ito. Ayon naman kay Korina, hindi niya madalas ipagalaw ang mga kagamitan sa kanilang tahanan dahil hindi siya naniniwala sa Feng Shui.

TWIN’S NURSERY

Ang nursery naman ng kambal ay kapapaayos lamang ngayong taon kung saan pinalagyan ng veranda upang matanaw ang magandang tanawin ng hardin. Neutral ang piniling kulay ni Korina na pintura para sa silid ng kambal. Matatagpuan rito ang iba’t ibang klaseng kagamitan na pambabae at panlalaki, ngunit mas marami ang pambabae na ayon kay Korina ay mas maraming natatanggap na regalo si Pilar. Pagdating naman sa mga kagamitan ng kambal, ay praktikal si Korina. Sa katunayan ay bumili siya ng Gap na brand ng damit at gamit na Pittsburgh habang ang mga ito ay naka-40% sale pa. Maging ang asawang si Mar Roxas ay matipid at may disiplina rin sa paghawak ng pera. Mahilig umano itong mag-recycle ng mga kagamitan na maaari pang pakinabangan.




Library

Ang kanilang library naman ay maihahalintulad sa isang bookstore sa dami ng mga aklat na makikita rito. Dito na rin ginagawa ang mga interviews at mga photoshoot niya. Matatagpuan rin ang mga lumang aklat sa library kagaya na lamang ng 1st Edition ng mga libro ng ama ni Mar na si Gerry Roxas.

Kapansin-pansin naman sa dingding ng library ang makikitang mga nakasabit na obra, isa na nga rito ang worn-out slippers na naka-frame. Ayon kay Korina ay mula ito sa mga batang binigyan nila ng tsinelas sa programang Rated K. Ang pamimigay ng programa ng mga bagong tsinelas sa mga bata ay ginagawa taon-taon. Ayon naman kay Korina, nagbebenta sila ng mga framed-slippers at maaaring ibenta ito sa halagang P25,000 ang bawat isa.