Mainit ngang usap-usapan ngayon sa social media ang rebelasyon ng aktres na si Sofia Andres tungkol sa pagkakaroon niya ng anak sa isang car racer na nagngangalang Daniel Miranda. At kaugnay nga nito, marami ang nagkaroon ng interes sa pagkatao ng boyfriend ni Sofia na bukod sa pagiging isang mahusay na car racer ay hindi rin maitatanggi ang taglay na kagwapuhan.
Hindi nga nakakapagtaka na sa angking gwapong mukha ni Daniel ay nabihag niya ang puso ng isa sa pinakamagandanng aktres sa industriya ng showbiz. Ngunit, sino nga ba si Daniel Miranda at saan siya nagmula?
Hindi na nga lingid sa kaalaman ng nakararami na ang boyfriend ni Sofia ay isang car racer, ngunit maliban pala sa pagiging car racer ay nagmula rin ito sa napakayamang angkan ng Lhuillier. Sila nga ang pamilyang nagmamay-ari isa sa pinakamalaking pawnshop sa bansa, ang Cebuana Lhuillier Pawnshop.
Si Daniel at kanyang kapatid na si Enrique ay lumaki sa Cebu. Si Daniel ang anak ng mag-asawang Martin Miranda at Angelique Lhuillier na talaga nga namang nakuha ang magandang lahi ng mga magulang. Ang ina niyang si Angelique ay isang entrepreneur samantalang ang ama naman niyang si Martin ay isang karter, motocross rider, at drag racer na kung saan ay siya niyang napiling sundan ng yapak.
Samantala, nakuha naman ni Daniel ang pagiging isang Lhuillier sa magulang ng kanyang ina na si Angelique Lhuillier na sina Philippe Lhuillier at asawa nito na si Edna Diago Lhuillier. Hindi maikakaila na bigatin ang mga grand parents ni Daniel sa side ng kanyang ina. Sa lolo palang niyang si Philippe ay kahanga-hanga na ang angking yaman nila. Dahil ang lolo palang ito ni Daniel ay isang diplomat, businessman, at pilantropo na kung saan ay kilalang-kilala rin sa pagiging “ambassador of the Philippines to Spain, as well as former ambassador to Italy”. Ngunit, ang pagiging chairman ng Cebuana Lhuillier Pawnshop ang higit namang nagpapakilala sa kanya sa bansa.
Ang ina naman niyang si Angelique ay co-owner ng Casa De Memoria na kung saan ay isang auction house at ang pinagandang Estate Palacio De Memoria. Ang Palacio De Memoria ang nagsisilbi nilang heritage house at bahagi na ng kanilang kasaysayan.
Samantala, ang kapatid niyang si Enrique ay mas malaki ang interes sa pagnenegosyo na kung saan ay namana sa kanilang ina, at si Daniel naman ay sumunod naman sa yapak ng kanyang ama. Dahil nga bata pa, mas nakakahiligan ni Daniel ang mga bagay na angkop sa kanyang edad. Isa na nga rito ang pagpapakita ng interes sa mga sasakyan at racing. At dito na nga nagsimula ang kanyang pagmamahal sa car racing na nagdala naman sa kanya sa international racing world.
Talaga nga namang bigatin pala ang boyfriend at ama ng anak ni Sofia Andres, hindi lamang car racer kundi nagmula rin sa marangyang pamilya.