Si Mayor Vico Sotto ay kilalang mahusay na Mayor ng Pasig, ngunit maliban rito ay hinahangaan rin ang kanyang taglay na kagwapuhan at matikas na pangangatawan. Ngunit sa kabila nito, nananatiling single ang Mayor na hinahangaan ng publiko.
Marami nga sa mga netizens ang pinapangarap si Mayor Vico ngunit mas nais naman nila na isang may katungkulang Mayor rin ang maging katuwang sa buhay ni Mayor Vico. Kaya naman, nang magsilabasan ang mga Mayor na maghatid ng tulong sa gitna ng krisis, naghanap ang mga netizens ng mga babaeng Mayor na kanilang irereto kay Mayor Vico.

At ang napusuan nga ng mga netizens ay ang Mayor ng San Manuel, Tarlac na si Donya Tesoro o mas kilala sa kanyang tunay na pangalan na Dona Cresencia R. Tesoro. Kagaya nga ni Mayor Vico ay may pagmamahal rin sa bayan si Mayor Donya. Kaya naman, single rin at walang panahon sa love life si Mayor Donya dahil mas inuuna niya ang kapakanan ng kanyang nasasakupan.

Si Mayor Donya ay tubong Tarlac at ang kanyang amang si Bening Tesoro ay dati namang nanilbihan bilang Mayor ng kanilang bayan at ngayon nga ay siya namang Vice Mayor niya. Nag-aral si Mayor Donya sa O.B. Montessori Center Inc. sa Greenhills, San Juan. At nang makapagtapos nga, ay muli siyang kumuha ng Master’s Degree sa kursong Public Administration sa Ateneo de Manila University. Lahat nga ng pagsusumikap niya ay nagbunga, dahil noong 2019 nga ay isa siya sa 20 millenial mayors na nahalal bilang Mayor sa Luzon, at siya nga ang nagwagi sa halalan bilang Mayor ng San Manuel, Tarlac.


Maliban naman sa pagiging isang public servant, ay may iba pang hilig ang napakagandang si Mayor Donya. Dahil hilig rin niya ang mag-travel at magtungo sa magagandang lugar kagaya ng Paris at Italy. Talaga nga namang isa siyang tunay na Millenial Mayor dahil mahilig rin siya sa fashion. At makikita nga sa kanyang mga larawan na isa siyang fashionista na kung saan ay bagay na bagay ang kanyang mga kasuotan sa maganda niyang mukha.

Samantala, dahil nga ang kanyang pamilya ay matanggal ng nanunungkulan sa bayan naging malapit na rin siya sa Pangulo ng bansa na si President Rodrigo Duterte. Maging ang King of Talk na si Boy Abunda ay nakadaupang-palad na rin niya kung saan makikita ang kanilang pagiging malapit sa isa’t isa.

Bago naman siya mahirang bilang Mayor ng San Manuel, Tarlac ay nanungkulan muna siya bilang konsehal at vice mayor ng San Manuel. Nasa dugo na nga ni Mayor Donya ang pagkakaroon ng malasakit at pagmamahal sa bayan, kaya naman nang nasa gitna ng krisis ang bansa na dulot ng pandemya ay naging abala siya sa pagtulong at pamamahagi ng mga relief goods sa kanyang nasasakupan.

Dahil nga mas priority ni Mayor Donya ang kapakapan ng kanyang mahal na mamamayan, wala na siyang panahon pa sa love life. At ang madalas nga niyang gamiting hashtag ay “NoTime4Love” sa kanyang mga post sa Instagram. Sa isang panayam naman, sinabi ni Mayor Donya na, ang paninilbihan na sa bayan ang magiging katuwang niya sa buhay, kahit pa tatlong taon pa lang siya sa posisyon.

Talaga nga namang bukod sa napakaganda ni Mayor Donya, mahal na mahal rin niya ang kanyang nasasakupan at ang nais lang niya ay pagsilbihan ang kanyang mga mamamayan sa abot ng kanyang makakaya. Malaki nga ang pagkakatulad nila ni Mayor Vico, kaya naman, tiyak na bagay na bagay sila at magkakasundo sila lalo na sa pagtulong sa mga nangangailangan.