Heart Evangelista, Namahagi Ng Libreng Tablet Sa Mga Estudyante Para Sa Online Schooling

Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang pagbabalik eskwela ng mga estudyante, ngunit di katulad ng nakagawiang pag-aaral sa paaralan, ang mga estudyante ngayon ay sa bahay lamang mag-aaral sa tulong ng internet.

Ito ang tinatawag na online schooling na ipinatupad ng DepEd upang maiwasan ang hawaan ng mga estudyante sa sakit na COVID-19. Ngunit, maraming magulang ang umapela sa online schooling dahil hindi lahat ay may kakayahang magkaroon ng gadget na gagamitin para rito at hindi rin lahat ay may internet sa kanilang tahanan.




Ang problemang ito ng mga magulang at ilang mahihirap na estudyante ay binigyang solusyon ng aktres na si Heart Evangelista. Kilala si Heart sa kanyang pagiging matulungin, at kung may pagkakataong tumulong ay ginagawa niya ang lahat upang makatulong sa mga nangangailangan.

At noong June 4, araw ng Huwebes, nagsimula na ngang mamahagi ang Queen of Creative Collaborations na si Heart ng libreng tablet sa ilang mahihirap na estudyante upang ang mga ito ay makilahok sa online classes bilang bahagi academic system sa ipinatupad new normal ng gobyerno.

“For those who don’t have a tablet for online school please DM me on Instagram. I will be giving away as many tablets as I can,” saad ni Heart sa kanyang post sa twitter.

“I heard having a tablet or computer is a requirement for online classes so I will do the best I can. I’m sorry I can’t help everyone but I will try to help as much as I can,”dagdag pa ng aktres.

Ang post ng aktres ay dinagsa ng komento ng mga estudyanteng nais makilahok sa online classes at nangako naman ang 35 taong gulang na aktres na rereplyan ang mga ito sa abot ng kanyang makakaya. At araw nga ng Biyernes, makikita sa Instagram stories ng aktres ang video ng batang si Mark na humihiling na magkaroon ng tablet:

“Sana isa po ako sa mapili niyo mabigyan ng tablet. [I hope you choose me as one of your recipients].”




Idinaan naman ang reply ni Heart sa Instagram story caption at sinabi:

“Mark, you inspire me to do so much more. God bless you sweetheart. Sending you a DM right now!”

Dahil nga sa kagustuhang makatulong, nakipag-ugnayan si Heart sa kompanyang Cherry Mobile kung saan dati siyang nagtrabaho sa gadget collection kung saan itinampok ang kanyang mga paintings. Mula sa kompanyang Cherry Mobile ang tablet na ibabahagi niya sa mga estudyante.

Tunay nga na may napakabuting puso si Heart upang tumulong sa mga nangangailangan. Good job Miss Heart. Godbless you more!