Heart Evangelista Ibinida Ang Kanyang Special Homemade Pizza Recipe Sa Kanyang Vlog

Habang marami sa ating mga kababayan ang kasalukuyang nanatili sa kanilang mga tahanan dahil sa umiiral na community quarantine, naging libangan ng ilan sa atin ang paghahanda ng masarap na pagkain para sa ating pamilya.

Ito na rin kasi ang nagsilbing bonding ng bawat pamilya lalo na at hindi pa fully operational ang mga malls at restaurants sa ating bansa.




Sa katunayan, marami na nga ang nahumaling sa pagluluto ng masasarap na pagkain at ang iba pa nga sa kanila ay ang mga paborito nating celebrities na aliw na aliw sa bago nilang kinahuhumalingang gawain.

Nitong nakaraan Abril ay ibinahagi ng Kapuso celebrity na si Heart Evangelista o Love Marie Payawal Ongpauco-Escudero sa tunay na buhay ang kung paano niya ginagawa ang kanyang special homemade pizza.

Sa kanyang YouTube vlog entry na pinamagatang “Lockdown Diaries: Making Pizza at Home” ibinidang muli ng 35-year-old na maybahay ni Sorsogon Governor Francis “Chiz” Escudero ang kanyang pagiging creative habang naghahanda ng masarap na pizza para sa kanyang buong pamilya.




“I am not really a cook but I do know how to cook a few things. Growing up my family would cook but I would just sketch or draw on the wall. But today I’m going to make pizza for my family and for everybody that lives here in my house,” saad niya sa simula ng kanyang video.

Kasama rin sa kanyang vlog bilang special guest ang kaniyang stepson na si Quino para tulungan siya sa pagluluto, “I may not be a chef but I am very proud of this personal pizza recipe. I had help from my special guest Quino to prepare this special dish for the entire household. I hope you all enjoy! Stay home and stay safe, my dears!” dagdag pa niya.




Mapapansin naman na nahihiya pa ang kanyang stepson ng tawagin niya ito sa harap ng kamera upang magpakilala, ngunit kalaunan ay makikitang game na game din ang bata sa pag-assist sa kanyang stepmom.

Sa 7-minute-video na ito ay ipinakita niya ang steby by step na proseso sa pagluto ng kanyang pizza sauce pati na rin ang lahat ng ingredients na ginamit niya sa pag gawa ng kanyang homemade pizza.

LOCKDOWN DIARIES: MAKING PIZZA AT HOME | Heart Evangelista

Kung sa ordinaryong pizza ay karaniwang ginagamit ay ang bilog na pizza dough, pinatunayan pa rin ng naturang celebrity ang kanyang pagka-sosyal dahil gumamit siya ng french bread na ayon pa sa kaniya ay galing pa sa Paris, “freshly baked from Paris, with love,” saad ni Heart.

Mabilis namang nag-trending ang kanyang nasabing video na sa kasalukuyan ay mayroon ng higit sa 600k views sa YouTube.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *