Flight Attendant Na Nawalan Ng Trabaho Dahil Sa Covid-19, Nagtinda Muna Ng Fishball Sa Tapat Ng Kanilang Bahay

Napakaraming tao sa ating bansa at sa buong mundo ang labis na naapektuhan ang pamumuhay dahil sa pandemic COVID-19 o ang tinatawag na novel Coronavirus. Mga pamilyang nagdadalamhati sa pagkawala ng kanilang mahal sa buhay at ang iba naman ay patuloy na pa rin nakikipaglaban sa sakit.

Isa pa sa lubos na nakakaapekto sa marami sa atin ay ang pagkawala ng “source of income” o pagkakakitaan dahil maraming kompanya ang tuluyang nagsara at ang iba naman ay pansamantalang natigil ang operasyon dahil pa rin pandemyang ito.




Dahil dito maraming empleyado ang napilitan na humanap ng ibang paraan upang patuloy na masuportahan ang kanilang mga pamilya kahit pa sumubok sa trabahong malayo sa kanilang nakasanayan.

Gaya na lamang ng flight attendant na si Lorrie May Parungao ng Pan Pacific Airlines. Umani ng papuri sa social media dahil pansamantala muna siyang nagtitinda ng fishaball, palamig at iba pang meryenda sa tapat ng kanilang bahay upang makatulong pa rin sa kanyang pamilya.

Isa kasi ang Airline Industry sa mga line of business na hindi pa tuluyang makakabalik sa operasyon dahil sa patuloy na paglaganap ng COVID-19. Kaya naman nagpasya si Lorrie May na breadwinner ng kanilang pamilya na magfocus muna sa pagtitinda para kahit papano ay makatulong siya sa panggastos sa kanilang araw-araw na pangangailangan.




Hindi niya ito kinakahiya dahil ayon sa kanya ang pagtitinda ang isa sa mga pinang-buhay sa kanya ng kanyang magulang at ito rin ang dahilan kung bakit siya nakatapos sa pag-aaral at narating ang kanyang pangarap na maging isang flight attendant.

Sa Facebook post ng “Flyhigh Manila” noong June 17, ibinagi nila ang nakaka-inspire na kwento ni Lorrie May. Kalakip ng post ang ilang larawan niya na habang naka duty at todo postura bilang flight attendant at ang kasalukuyang niyang larawan habang nagtitinda ng meryenda.

Makikita dito na malayong-malayo ito sa dati niyang trabaho, simple, walang makeup at naka pang-bahay na kasuotan lamang si Lorrie May habang naghahanda ng kanyang mga paninda, ngunit bakas sa kanyang mukha na masaya siya sa kanyang ginawa dahil para ito sa kanyang mahal na pamilya.

Hindi man kalakihan ang kinikita ang kanyang kinikita kumpara sa sahod sa pagiging FA, ang mahalaga ay nakakapag-provide siya para sa pamilya at sa kanyang pinakamamahal na anak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *