Finally Home: Jinkee Pacquiao, Masayang Ibinahagi ang Pagbabalik ng kanilang Pamilya sa General Santos City Matapos ang Isang Taon

Tunay nga na napakasarap sa pakiramdam ang muling bumalik sa kinalakhang lugar at masilayang muli ang pinakamamahal na hometown. Ito nga ang lugar kung saan bumuo ng masasayang ala-ala kasama ang pamilya. At sa muling pagbabalik nga sa hometown, ay muli rin namang makakasama ang mga kamag-anak na naging bahagi ng mga masasayang ala-ala.

Ngunit, higit namang mas masaya kapag ang hometown ay sa probinsiya. Dahil iba ang hatid ng sariwang simoy ng hangin sa ating pakiramdam, bukod sa malayo sa polusyon ay tahamik rin ang lugar na kung saan ay maaaring makapag-relax.




Dahil nga sa ipinatupad na quarantine ay marami ang nababagot na sa syudad at nais ng umuwi sa kanilang mga probinsya. Kaya naman, ngayong naging maluwag na ang quarantine at may byahe na patungo sa ibang lugar, mapa-barko o eroplano man, ay nagsiuwian na ang ilan nating kababayan sa kanilang probinsya.

Kagaya na lamang ng pamilya Pacquiao na matapos ang halos isang taong pananatili sa syudad ng Metro Manila ay muli silang nagbabalik sa kanilang probinsya sa General Santos City sa Mindanao. Kaya naman, labis ang kanilang kaligayahan ngayong nakauwi na sila sa kanilang hometown.

Ibinahagi nga ni Jinkee sa kanyang Instagram ang kanilang masaya at ligtas na paglalakbay hanggang sa marating nila ang kanilang tahanan sa GenSan.

“Finally home! ? (Mag isa ka tuig pud intawon sila wala nakauli dire gensan.?),” saad ni Jinkee sa kanyang IG post.




Makikita sa larawan na halos kabababa lamang ng eroplano ng magkakapatid na Pacquiao na sina Jimuel, Michael, Princess at Mary. Mababakas rin sa mga mukha ng magkakapatid ang excitement na makauwi sa kanilang tahanan sa GenSan.

Samantala, sa Instagram story naman ni Jinkee, ibinahagi niya ang larawan ng kanilang tahanan ay nilakipan ng caption na “No place like home”, patunay na nakarating sila ng ligtas sa kanilang tahanan.




Tiyak naman na mai-enjoy na ng pamilya Pacquiao ang masayang buhay sa probinsya. Kasama na nga rito ang sariwang hangin at ang muling makasama ang mga kamag-anak upang muling bumuo ng masasayang ala-ala. Makakapag-relax rin tiyak ang mag-asawang Jinkee at Manny dahil kahit sa maikling panahon ay magiging tahimik ang kanilang kapaligiran.