Connect with us

Entertainment

Dating Aktor na si Rainier Castillo, Ibinahagi ang Dahilan Kung Bakit niya Iniwan ang Mundo ng Showbiz

Published

on

Marahil, marami sa batang 90’s ang nasubaybayan ang unang season ng StarStruck at nasilayan ang killer smile ng dating aktor na si Rainier Castillo. Kinakiligan at tinilian ng maraming kababaihan ang nakakatunaw na titig at ngiti ni Rainier sa tuwing mapapanood sa StarStruck. Hindi nga nakakapagtaka na isa siya sa mga pinalad na mapabilang sa Final Four, kasama sina Mark Herras, Jennylyn Mercado at Yasmien Kurdi.




Tumatak rin sa kanyang mga tagahanga ang kanyang hairstyle na mala-Jerry Yan ng F4 na talaga nga namang nakadagdag sa kanyang charm at looks. Dahil nga taglay ni Rainier ang katangian ng isang magandang lalaki, na-link sa kanya ang ilan sa mga female survivors na kasabayan niya sa kompetisyon na sina Jade Lopez, Yasmien Kurdi, Jennylyn Mercado at Sheena Halili.

Hindi man niya nakuha ang titulo kay Mark Herras bilang Ultimate StarStruck Male Survivor, dinagsa naman ng biyaya at proyekto ang kanyang karera sa pag-aartista. At sa GMA Network nga siya nagsimula bilang isang artista kung saan ay ipinamalas ang kanyang talento sa pag-arte. Hindi naman nagtagal ay iniwan ni Rainier ang matagumpay na karera sa industriya ng showbiz.

Mahigit pitong taon nang hindi nasisilayan si Rainier sa telebisyon, at kamakailan nga ay muling nasilayan ang dating aktor sa Eat Bulaga sa segment ng programa na Bawal ang Judgemental kung saan nakasama niya si Chubi del Rosario. Marami nga sa kanilang mga tagahanga ang sabik na makita ang kanilang mga iniidolo.

Samantala, ibinahagi naman ni Rainier ang dahilan kung bakit niya iniwan ang showbiz, ito nga ay dahil dumating umano ang puntong napagod na lamang siya.

“May time na dumating na medyo nakakapagod na rin. Yung halos hindi ko na nakakasama yung family, lalo na kapag mga okasyon na Pasko.”

Ngunit, sa kabila nito, inamin naman ni Rainier na namimiss niya ang buhay ng isang artista sa industriya ng showbiz.




Ngayon naman ay masaya na si Rainier sa simpleng mamumuhay niya kasama ang kanyang pamilya. Mahigit isang taon na ang nakakalipas nang magpakasal sila ng kanyang asawang si Diane.

Malapit na ring maging isang ganap na ama si Rainier dahil malapit na nilang masilayan ang kanilang panganay na anak. Mayroon pa siyang isang itinuturing na anak, ang stepson niya sa asawang si Diane.

 

error: Content is protected !!