Si Assunta De Rossi ay kilalang aktres sa industriya ng showbiz na ipinamalas ang taglay na talento sa pag-arte kung kaya’t marami siyang naging proyekto at pelikula na hinangaan at tinangkilik ng publiko. Ngunit, hindi naman nagtagal ay nagpasya siyang iwan ang mundo ng showbiz matapos niyang mapangasawa ang isang mayamang businessman at politiko na nagmula sa Negros Occidental na si Jules Ledesma noong 2004.
Halos dalawang dekada nang nagsasama ang mag-asawa ngunit hindi pa sila nabibiyayaan ng supling. At ngayon nga ang pinakahihintay nilang biyaya ay dumating na dahil ipinagbubuntis na ni Assunta ang panganay nilang anak ni Jules.
Noong ika-5 ng Marso, nakumpirma ni Assunta na siya’y nagdadalang-tao na matapos niyang magpa-check up sa OB sa kadahilanang hindi siya dinatnan ng buwanang dalaw at pagsama ng kanyang pakiramdam. Nang malaan na siya’y buntis nga sa panganay nila ni Jules, nagulat at halos hindi makapaniwala ang aktres.
Nang tanungin naman siya kung alam na ba niya ang kasarian ng kanyang ipinagbubuntis, ito ang naging pahayag ng aktres:
“Basta healthy ang baby, kahit babae o lalaki, ok lang talaga sa akin.”
Noong ika-5 ng Mayo ng taong kasalukuyan, ibinahagi ni Assunta sa kanyang Instagram account na ang kanyang ipinagbubuntis ay nasa 17 weeks na. Saad rin ng aktres, natatakot pa siyang lumabas dahil sa ipinapatupad na ECQ.
“Nakakatakot din kasi, okay pa naman ako. Siguro, next month magtatanong na ako sa OB-Gyne ko,”saad ni Assunta.
Samantala, ang soon to be dad namang si Jules ay hindi maitatanggi ang nararamdamang excitement sa ipinagbubuntis ng asawa at biyayang dumating sa kanila. Sa Instagram account ng politiko ay maraming preggy photos ng asawa ang naka-post, at ang una ngang post nito ay noong Mother’s Day kung saan maraming netizens ang nagbigay ng komento. Sa naturang larawan, makikita na tila bagong gising si Assunta at nakahawak pa sa kanyang baby bump. Ang naturang post ay nilakipan ng caption na:
“Good Morning Mimiku… God keep you and the child”.
Nagbigay naman ng komento si Assunta sa naturang larawan at sinabi:
“Galing pa akong nightmare sa picture na yon kasi nga kagigising ko lang. Hahaha”.
Nawa’y maging maayos at malusog ang ipinagbubuntis ni Assunta na maituturing na biyaya sa kanilang buhay ng asawang si Jules. Congratulations!