Marahil, sa loob ng dalawang buwang pananatili natin sa loob ng ating mga tahanan, marami na sa atin ang naiinip at naghahanap ng mapaglilibangan. Ang ilan nga sa atin ay natagpuan ang mga bagay na maaaring pagkaabalahan at makapagbibigay ng kapanatagan ng loob habang sumasailalim sa quarantine at nasa loob ng ating mga tahanan.
Isa na nga rito ang aktres na si Bea Alonzo, na natamo ang kapanatagan ng loob sa bagong hobby niya na pagpipinta. At ang bagong libangan na nagbibigay sa kanya ng kaligayahan at kapanatagan ng loob ay ibinahagi niya sa Instagram.
“Since I haven’t been acting for quite some time now because of the pandemic, I thought, I should find an outlet for my creativity. It’s nice. It makes my heart happy,” paliwanag ng aktres.
Ayon pa sa aktres, ang pagpipinta ay maituturing na katulad sa pagbabasa ng aklat kung saan dinadala ka nito sa ibang mundo, mundo na kung saan ay tanging ikaw lamang ang makakapasok.
“It’s like reading a book, you are taken to another world, a world where you are the only one allowed to enter. It’s an escape,” makahulugang pahayag ni Bea.
Dahil nga, wala siyang trabaho ngayon bilang artista at hindi nagagamit ang kanyang talento sa pag-arte, mas minabuti ni Bea na magkaroon ng ibang pagkakaabalahan kung saan sumasalalim rin sa kanyang pagiging malikhain, at natagpuan niya nga ang sarili sa pagpipinta.
“Since I haven’t been acting for quite some time now because of the pandemic, I thought, I should find an outlet for my creativity. It’s nice. It makes my heart happy,” paliwanag ng aktres.
Bagama’t, naging abala ang aktres sa kanyang proyekto upang makalikom ng pondo para makatulong sa ating mga kababayan na naapektuhan ng krisis, naghanap pa rin ang aktres ng bagay na maaari niyang pagkaabalahan at makakatulong rin sa kanya sa upang matamo ang kapanatagan ng loob at gumaan din ang kanyang pakiramdam. Bukod rito, ang libangan niyang ito ay nagdudulot rin sa kanya ng kaligayahan.