Tularan: Lalaking Nabaon Sa Malaking Pagkaka-utang Matapos Ma-scam Muling Nakabangon At Umasenso ‘Walang Ibang Gagawa Ng Sucess Story Mo Kundi Sarili Mo’

“Our greatest glory is not in never falling, but in rising every time we fall -Confucious”, hindi naman maiiwasan na sa pagtahak mo sa landas ng buhay ang minsang makaranas ng kabiguan at pagkadapa ngunit hindi naman nangangahulugan na dahil doon ay mananatili ka ng talunan. At sa muling pagbangon ay makakamtan ang tamis ng tagumpay kung ipagpapatuloy ang nasimulan ng may panibagong pag-asa at determinasyon na tinataglay.




At para kay Sherwin Gonzales minsan man siyang nakaranas na padapain ng buhay ay hindi noon nagawang pabagsakin ang kanyang pangarap bagkus ay mas lalo pang tumindi ang kanyang determinasyon na magtagumpay. Kilalang masipag talaga ang tubong Binangonan Rizal sa katunayan ay bata pa lamang ito ay marunong na itong kumita sa sariling paraan mula sa pag-iipon ng kalakal na maari pang ibenta hanggang sa paggawa ng mga proyekto ng kanyang kapwa mag-aaral.

Sa kabilang banda, kahit graduate pa siya bilang isang computer engineer ay mas pinili ni Sherwin na hindi pumasok sa trabaho kung hindi pinili niyang magkaroon ng sariling negosyo at hindi kalaunan ng magkaroon ng konting puhunan ay sinubukan na rin niya ang negosyong buy and sell. At sa pagpasok niya sa negosyong ito ay may nakilala siyang buyer na nag-alok sa kanya na pumasok sa investment industry.

Samantala, dahil na rin sa mataas na kitang alok ay naenganyo si Sherwin na sumugal dito sa katunayan ay nagawa niyang manghiram ng halagang 2 milyong piso para sa iinvest. Naging maayos naman noong una ang investment business dahil sa malalaking pera na kinikita niya araw-araw subalit makalipas ang ilang linggo ay nalaman niyang na-iscam pala siya ng mga taong pinagkatiwalaan niya. Dito na nagsimulang mabaon sa utang si Sherwin at kinailangan pa niyang magtago sa poder ng kapatid dahil sa mga demand letter at mga subpoenang natatanggap mula sa mga bangko.

Sa kabilang banda, hindi nanatili sa pagkakabagsak si Sherwin at sinimulan niya na makabangon ulit muli siyang sumubok sa mga negosyong na maari siyang ay kumita. Mula sa pagiging ahente ng lupa, nagdirect selling at muling pinasok ang buy and sell ulit. Nagdesisyon din siyang pag-aralan ang forex trading. At hindi nga katagalan ay muling na siyang nakabangon at nagawa niyang bayaran ang lahat ng pinagkaka-utangan. Dahil na rin sa pagsisikap ay nagawa niyang makamit ang matagal ng pangarap ang makapagpatayo ng sariling magandang tahanan.

Sa isang video interview sa kanya ng Kapamilya network ay mapapanuod ang nakakabilib na istorya ng muling pagbangon ni Sherwin,

“ABS-CBN News
“Mas mahirap pa ako sa daga pero nakuha ko’ng makabangon.”

Suwerte pagdating sa pera si Sherwin Gonzales kaya patok ang mga negosyong pinapasok niya. Pero nagbago ang lahat nang mabiktima siya ng isang investment scam at malubog sa utang. Narito ang kuwento kung papaano siya nakabangon.”, mababasa pa na caption dito.




Ilang mga netizen na nakapanuod ang labis na napahanga sa istorya ni Sherwin,

“Engie Baraero Villanueva
Yung mga millenials iba sadya magagaling sa intetnet, saludo ako sau???“,
“Riza Makulit -nang yari sa akin yan 🙁 napakalaki ang nawala 🙁 akala ko matutupad ko na pangarap ko. yon pala lalo ako nalubog! pero god is good ?? ❣️ dahil my guardian angel ako tumulong makabangon muli.”,
“Yaj Jabal -you are such an inspiration.. be proud of yourself! ☺️“.

May payo naman si Sherwin sa mga katulad niyang nais din na magtagumpay sa buhay,

“‘Walang ibang gagawa ng sucess story mo kundi sarili mo, Huwag mong iasa ang pag-asenso mo sa ibang tao”.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *