Tinaguriang ‘Black Mamba’ Ng NBA Na Si Kobe Bryant Malaking Kayamanan Ang Naiwan Sa Mga Naulilang Mahal Sa Buhay

Isang malaking kawalan hindi lamang sa mundo ng sports ang biglaang pagkawala ng isa sa tinaguriang pinakamahusay na player sa larangan ng basketball na si Kobe Bryant. At hanggang sa kasalukuyan ay marami pa rin ang hindi makapaniwala sa malungkot na pangyayari.




Noong January 26 ay sumakay sa isang pribadong helikopter si Kobe kasama ang 13 taong gulang na anak na si Gianna upang pumunta sana sa Bryant’s Mamba Sports Academy sa Newbury Park. Nagpunta roon ang player upang icoach sana ang team na kinabibilangan ng anak sa isang basketball game. Hindi na nagawang makapunta pa ng mag-ama sa kanilang paroroonan matapos na bumagsak ang sinasakyan nilang helikopter.

Samantala, sa pagpanaw ng kilalang basketbolista naiwan niya ang asawang si Vanessa at ang tatlong mga anak. At kahit labis ang pangungulila nila sa pagkawala ng haligi ng kanilang tahanan ay masasabing hindi naman na nila pangangambahan pa ang kanilang pangangailangan pinansiyal sa kinabukasan dahil sa naiwang kayamanan ni Kobe.

Masasabing ang tinaguriang Black Mamba lang naman ng NBA ang isa sa pinaka-highest paid na manlalaro sa kilalang liga. Sa katunayan, ayon sa Forbes si Kobe ang nangunguna sa kanilang listahan na nabibilang sa highest paid na mga atleta.

Sa kabilang banda, malaki rin ang naging kita ng 41 taong gulang na player sa dami ng kanyang mga naging endorsement mula ng maglaro siya sa NBA. Mula sa mga kilalang brand na Nike, Coca-Cola, Sprite, McDonald’s, Hublot at gayundin sa Mercedes Benz. Pinasok din ng 5x NBA champions ang pagnenegosyo kung saan naipundar niya ang HouseCanary at BodyArmor.

At bago pa man siya nagretiro bilang professional player ay tinatantiyang nasa $60 million na ang kanyang kinikita taun-taon. At ng tuluyan na niyang iwanan ang propesyon noong taong 2016 ay nasa 680 million dolyar na ang halaga ng pinagsama-sama niyang net.




Sa kasalukuyan ay may kasiguruhan na ang magiging kinabukasan ng mga naiwang pamilya ng 2x NBA Finals MVP dahil sa kanyang mga kinita mula sa kanyang naging makulay na karera sa mundo ng palakasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *