Ang bawat indibidwal ay may kanya-kanyang bagay na kinahihiligan, at ang ilan nga sa kanila ay ginagawa pa itong koleksyon. Mga koleksyon ng mga bagay na naghahatid sa kanila ng kaligayahan. May ilan na nangongolekta ng laruan, sapatos, bag, at iba pang mga bagay.
Ngunit, ang koleksyon na ibinahagi ni Assunta de Rossi ay hindi lamang basta-bastang bagay dahil ang mga ito’y mga mamahaling sasakyan. At tila nababagot na si Assunta ngayon dahil ilang buwan na tayong sumasailalim sa lockdown at hindi makalabas ng bahay. Kaya naman, nasasabik na siyang mag-drive at lumabas ng bahay gamit ang kanyang mga sasakyan.
Ngunit, dahil nga sa umiiral na lockdown, naisin man niyang lumabas ay hindi niya magawa kung kaya’t, ang mga koleksyon ng mga mamahaling sasakyan ay tinawag niyang “useless” ngayong panahon ng lockdown.
Kaya naman noong Abril 30, ibinahagi na lamang ni Assunta sa social media ang larawan ng mga susi ng koleksyon ng mga mamahaling sasakyan.
“Hay nako, useless kayo these days. Pa-fresh na muna,” caption sa post ni Assunta.
Samantala, ang kapatid naman niyang si Alessandra ay sinagot ng pabiro ang post niya at sinabi:
“Bat di nyo pa raffle? Makabili ako ng kubo sa tabing dagat [laughing emoji]”, biro ni Alessadra.
Maging ang ina niya na tila labis siyang ipinagmamalaki bilang anak ay nagbigay rin ng komento sa kanyang post at sinabi na talagang napakayaman niya.
Talaga nga namang hindi maitatago ang kayamanang mayroon si Assunta at asawa niyang si Jules Ledesma na isang politiko, sa kanilang mga mamahaling koleksyon ng sasakyan sa garahe ng kanilang tahanan.
Kabilang nga sa koleksyon ng mamahaling sasakyan ng mag-asawa ang Rolls Royce Wraith at ang Rolls Royce Dawn. Hindi biro ang halaga ng mga naturang sasakyan, dahil ayon sa automobile website, ang brandnew unit ng mga nasabing sasakyan ay nagkakahalaga ng tinatayang P25 Million bawat isa.
Kasama rin sa koleksyon ng mag-asawa ang tatlong Bentley cars, Maserati, Porsche, at Audi. Mayroon rin silang 2005 Ferrari Superamerica na sasakyan.
Ngunit, sa lahat ng mamahaling sasakyan na ito, may nais pang isang sasakyan si Assunta pero hindi niya ito makuha.
Sa isang panayam ay sinabi ni Assunta ang dahilan kung bakit hindi niya ito makuha at kung anong klaseng sasakyan ito.
“My dream car is one I’ve never owned and can never own, because they don’t make them anymore. It’s a 1990s Nissan Altima. There’s something about that car that just makes my heart stop.”
Kahanga-hanga ang kayamanang taglay ni Assunta at ng kanyang asawa. Na talaga namang makikita na nagbunga na ang kanilang pagsusumikap sa buhay.