Talagang makulay ang naging kasaysayan ng Pelikulang Pilipino sa ating bansa. Mula sa mga pelikulang lovestory, drama, komedya, horror at aksyon ay talagang sinubaybayan ng bawat mga manunuod.
At noong panahon na kabi-kabila ang mga pelikulang hatid ay masigabong aksyon maraming mga kilalang artista ang talagang nagpakita ng kanilang husay sa paggawa ng umaatikabong mga eksena.
Isa sa mga hinahangaang action star ng dekada 90 ay ang aktor na si Chuck Perez na pagdating sa pagiging màhusay na kontrabida ay kilalang-kilala. At para sa mga pelikulang ang hatid ay punong-puno ng aksiyon ay talagang masasabing siya ay tinitingala ng nakararami.
Unang nakilala si Chuck ng ginampanan niya ang karakter nina Ige at Bagwis sa pelikulang Bagwis noong taong 1989. Bumida rin siya sa mga pelikulang ‘Lt. Palagawad’, ‘Big Boy Bato’ at ‘Junior Quiapo’. Samantala, kinatakutan naman siya sa horror movie na Shake Rattle and Roll 5 ng gumanap siya bilang halimaw na si Andres.
Sa kabilang banda, mas naging maganda ang itinakbo ng kanyang career matapos niyang maging kontrabida. Ilan sa mga pelikula kung saan siya ay naging kontrabida ay talagang pumatok sa takilya katulad ng ‘Eseng ng Tondo’, ‘Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis’ at ‘Buhawi Jack’
Samantala, marami ding lumabas na kontrobersiya ang naikabit sa pangalan ng aktor katulad na lang ng lumabas na balitang na kumekwestiyon sa kanyang kasarian at isa pa ay ng pangalanan siya ng isang pahayagan na isang ‘Playboy Uncle’. At dahil sa biglaang pagkawala niya sa industriya ng showbiz ay may lumabas na balita na pumanaw na siya.
Sa kasalukuyan ay naninirahan na sa US ang kontrabida-aktor at mayroon na ring sariling trabaho sa isang kumpanya para sa medical supply. At masasabing masaya ang 55 taong gulang na dating aktor sa bagong mundong kanyang kinagagalawan.
Taong 2000 ng tuluyan niyang iwan ang pag-aartista at naging bahagi siya ng pinilakang tabing sa loob ng 12 taon.