Silipin Ang Simple Ngunit Masayang Buhay Ni AJ Dee, Matapos Iwan Ang Mundo Ng Showbiz

Tunay nga na ang ningning ng isang artista sa industriya ng showbiz ay hindi pang habang-buhay. Sabi nga ng ilan, ang buhay sa harap ng kamera ay pana-panahon lamang, kung nasa gitna ng kasikatan ay samantahalin at i-eenjoy lamang ang bawat sandali. Ngunit, hindi lahat ay mapalad at natatamo ang kasikatan na hinahangad sa industriya. Kung kaya’t may mga pagkakataon na napapagpasyahan ng ilang artista na iwan ang mundo ng showbiz at magkaroon na lamang ng simpleng pamumuhay.




Kagaya na lamang ng kapatid ni Enchong Dee na si AJ Dee, kung saan ay hindi nagtagal sa industriya at nagdesisyon na iwan ang mundo ng showbiz.

Kung naaalala niyo pa si AJ Dee, siya ang isa sa mga dating kinakiligan ng mga kababaihan sa teleseryeng “Amaya” na pinagbidahan ni Marian Rivera dahil sa kanyang magandang katangian bilang isang lalaki at taglay rin ang makisig na pangangatawan.

Ngunit, pano nga ba siya nakapasok sa industriya ng showbiz?

Matatandaan na una siyang nasilayan at nagsimula sa industriya bilang isang contestant sa programang ‘TV Idol Ur D Man’, na isa sa mga segment ng ‘MTB: Ang Saya Saya’. At dito na nga nagsimulang bumuhos ang kanyang mga proyekto at nag-umpisang namayagpag ang kanyang karera.

Ngunit, hindi naman pinalad ni AJ na tumagal sa industriya at nagdesisyon na iwan na lamang ang mundo ng showbiz upang ituon ang pansin sa kanyang pamilya. Ayon naman sa GMA entertainment, ngayon nga ay masaya na siyang namumuhay kasama ang kanyang pamilya, at ang kanyang napangasawa ay isang Norwegian citizen na nagngangalang Olga.




Bagama’t isang Norwegian, natuto na ring magsalita si Olga ng Tagalog dahil sa kanyang pakikihalubilo sa mga Pinoy. Ang masaya namang pagsasama nina AJ at Olga ay biniyayaan ng dalawang anak na lalaki. Ito sina Maximum James at Alexandros Jayden na hindi maikakaila na namana ang magandang katangian ng kanilang ama.

Labis namang ini-enjoy ni AJ ang bawat bonding kasama ang kanyang pamilya. Sa katunayan nga nito, madalas silang namamasyal at nagbabaksyon hindi lamang sa loob ng bansa kundi maging sa ibang bansa. Kanila na ngang narating ang mga mgagandang bansa kagaya ng Armsterdam at Spain.

Hindi naman makitaan ng pagsisisi ang dating aktor sa kanyang desisyon na iwan ang mundo ng showbiz. Hindi man niya ngayon natatamasa ang kasikatang natamo niya dati, masaya naman siya sa kanyang simpleng pamumuhay kasama ang kanyang pamilya, na mas lalo namang binigyang kulay ng kanyang mga anak.




Hindi man pinalad si AJ na makamit ang tagumpay sa industriya ng showbiz, waging-wagi naman niya sa pagkakaroon ng isang masayang pamilya na nagbibigay ng kaligayahan sa kanya.