Sana all! Mala-glass Skin Na Mukha Ni Jinkee Pacquiao, Dahil Sa Skin Care Routine Na Nagkakahalaga Ng P38,000

Ang mga kababaihan pagdating sa pisikal na hitsura ay pinakaiingatan ang kagandahang taglay ng kanilang mukha. Kaya naman lahat ng bagay na maaaring makapagpaganda sa kanila ay susubukan upang mapanatili ang magandang awra at blooming na hitsura. Ngayon nga, ay patok sa mga kababaihan ang skin care routine kung saan ay naglalagay sila ng iba’t ibang klase ng mga pampagandang produkto sa kanilang mukha. Kagaya na lamang ng mga moisturizer, toner, facial wash, serum at cream na nakakatulong upang mapanatiling makinis ang kutis at nakakaganda rin sa mukha.




Ngunit, hindi lang ito isang gawain na gagawin ng isang beses dahil kinakailangan itong paglaanan ng oras at pera upang makita ang magandang resulta. Ang ilan nga ay talagang gumagastos pa ng malaking halaga mabili lamang ang maganda at epektibong produkto para sa kanilang skin care routine.

Ngunit, para kay Jinkee Pacquiao, bilang asawa ng isa sa pinakamayamang tao sa bansa na si Manny Pacquiao, hindi importante sa kanya ang halaga ng produktong nais niyang gamitin para sa kanyang skin care routine upang matamo ang kagandahang hinahangad.

Pero sino nga ba ang mag-aakala na ang kabuuang halaga pala ng mga produktong ginagamit niya ay nagkakahalaga ng P38,000? Mapapa-sana all ka na lang talaga at achieve na achieve ni Jinkee ang mala-glass skin na mukha dahil sa kanyang mga ginagamit na produkto.

Isa nga sa mga itinampok sa vlog ni Jinkee ang kanyang skin care routine na kanyang ibinahagi sa mga netizens. Ating alamin ang mga produktong ginagamamit ni Jinkee upang maging maganda at maging mala-kutis porselana ang kanyang mukha.




Sinimulan nga ni Jinkee ang kanyang skin care routine sa produktong PCA facial wash na kanyang nabili mula sa U.S. Ayon kay Jinkee, minsan raw ay hinahaluan niya ito ng PCA Skin Creamy Cleanser bago niya gamitin sa kanyang mukha. Matapos naman niyang malagyan ang mukha, isinusunod naman niya ang kanyang leeg. At ang halaga ng dalawang produkto ay $33 o P1,700.

Sumunod naman niyang ginawa ay naglagay siya ng toner na PCA Skin Nutrient Toner na nagkakahalaga naman ng $40 o P2,050.

Hindi rin naman mawawala sa skin care routine ni Jinkee ang paglalagay ng cream. Kaya naman, nagpatuloy siya sa paglalagay ng Mesoestetic Post-Procedure Fast Skin Repair, isang uri ng cream na nakakapagbigay buhay sa balat at nakakapagpabilis sa paghilom ng mga damage skin tissues. At hindi biro ang halaga ng naturang cream dahil nagkakahalaga ito ng P3,359.37, ayon sa site nito.

Matapos naman nito, ay isang uri ng anti-aging ang ginamit ni Jinkee. Naglagay nga si Jinkee sa kanyang mukha ng ilang patak ng Mesoestetic Proteoglycans Anti-Aging Ampoules na nagkakahalaga naman ng P3,493.74.

Minasahe naman ni Jinkee ang kanyang mukha ng PCA Skin Clear-skin, isang skin nourishing moiturizer na nakakapaglinis at nakakapagpakalma ng balat. At ang naturang moisturizer ay nagkakahalaga naman ng $49 o katumbas ng P2,490.45.

Sa halaga namang $147 o P7,471.35 ay gumamit siya ng moisturizer na PCA Skin HydraLuxe.

Ngunit, maliban pala sa mga produktong ginagamit sa kanyang mukha, ay may natatanging produkto naman siyang ginagamit sa kanyang leeg. Ito ang Rodial Chin and Neck Lift na nagkakahalaga ng $97.95 o katumbas ng P4,978.36.




Tinapos naman ni Jinkee ang kanyang skin care routine sa pamamagitan ng paglalagay ng PCA Skin Rejuvinating Serum na ayon sa website ay nagkakahalaga ng $92 o P4,675.95.

Ilan pa sa produktong ginagamit ni Jinkee ay PCA Skin clearskin moisturizer with Mesoestetic Collagen 360° Intensive Cream sa halagang P4,367.18 at PCA Skin A&C Synergy Serum na nagkakahalaga naman ng P5,235.03.

Kaya naman kung nais mo ring magkaroon ng kompletong skin care routine at kutis na mala-porselana kagaya ni Jinkee, kinakailangan mong maghanda ng kabuuang halaga na P38,170.