Proud Parents: Kambal Na Anak Nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales Nakapagtapos Na Sa High School

Maliban sa mapalaki ng maayos at mabuting tao ang mga anak, isa rin sa mga hinahangad ng mga magulang para sa kanilang mga anak ay ang makapagtapos ang mga ito sa pag-aaral. Pangarap na maituturing para sa mga magulang kapag ang kanilang mga anak ay nakapagtapos sa pag-aaral dahil ang lahat ng pagsusumikap at paghihirap nila para sa kanilang anak ay masusuklian na. Kaya naman, hindi matatawaran ang kaligayahan ng mga magulang kapag ang pangarap na minimithi nila para sa kanilang anak ay nabigyang katuparan.




Isa nga sa mga magulang na nagbubunyi ngayon sa tagumpay na nakamit ng kanilang anak ay ang mag-asawang Aga Muhlach at Charlene Gonzales. Kamakailan nga, ay ibinahagi ng mag-asawa kung gaano sila ka-proud bilang magulang ng kanilang kambal na anak na sina Andres at Atasha sa pagtatapos ng mga ito ng pag-aaral sa high school.

Sa Instagram, ipinahayag ni Charlene kung gaano sila ka-proud sa nakamit na tagumpay ng kanilang kambal.

“We are extremely proud of you!! All the years of hardwork has paid off. Congratulations on your high school graduation.”

Bagama’t, hindi nakadalo ang mga nakapagtapos sa kanilang graduation rites dahil sa ipinapatupad na alituntunin ng gobyerno kaugnay sa COVID-19, masaya pa rin si Charlene sa tagumpay ng kambal. At ang tagumpay na nakamit ng mga ito, ay karapat-dapat na ipagmalaki bilang magulang.

“Although, you may have not physically walked across the stage for the graduation ceremony due to the global pandemic, it does not take away the many years of sacrifice, perseverance, defeats, victories and life lessons you’ve learned and continue to learn during your school life and life in general.”

Binigyang-diin naman ni Charlene na maliban sa pagsusumikap sa pag-aaral, pagpapahalaga sa sakripisyo ng magulang at tagumpay na nakamit ng kambal sa kanilang paaralan, masaya rin siya na lumaking mabubuting tao at may takot sa Diyos ang kambal niyang anak.




“Ultimately, know that we are extremely proud of the kind hearted & God fearing person you have become,”

Samantala, bilang pagtatapos, nag-iwan naman siya ng nakakaantig at nakaka-inspire na mensahe para sa kambal sa kanilang pagharap sa panibagong yugto ng kanilang buhay.

“We celebrate you and Atasha everyday & your dad & I are extremely excited for what life has in store for the both of you. Continue dreaming & reaching for your dreams & putting God first in all your plans and he will lead your path.”

Kahanga-hanga ang pagmamahal nina Aga at Charlene sa kanilang mga anak na ang tanging hangad lamang ay mapabuti at magkaroon ng maayos na buhay ang mga ito. Bukod rito, nais rin nilang maging mas malapit pa ang kambal sa Panginoon upang sa bawat landas na tahakin nila ay may magsisilbing gabay sa kanilang daan.