Dahil sa hirap ng buhay sa Pilipinas, marami sa ating mga kababayan ang hinahanap ang magandang kapalaran sa ibang bansa bilang OFW. Bagama’t, malalayo sila sa kanilang pamilya, ay isinaalang-alang parin nila ang pangarap na mabago ang buhay. Kaya naman, ang hirap at sakripisyo bilang OFW, ay kanilang tinitiis para lamang kumita ng pera at matupad ang pangarap para sa pamilya.
Dahil nga, hindi rin naman madali ang buhay sa ibang bansa bilang OFW, bawat salapi na kinikita nila ay pinapahalagahan at nilalagay sa tama, dagdag pa dito ay nag-iipon rin sila upang sa pag-uwi nila sa Pilipinas ay doon na sila mamalagi at hindi na kailangan pang bumalik sa abroad at magtrabaho.

Isang inspirasyon nga ang hatid ng magkasintahan na sa kabila ng kanilang edad ay nagawa nilang tuparin ang pangarap na magkabahay sa loob lamang ng tatlong taon bilang OFW sa Taiwan. Ibinahagi ni Ricky Jay Javate at ng kanyang kasintahan sa mga netizens ang kanilang nakakainspire na kwento sa pag-abot ng kanilang pangarap. Ang magkasintahan ay isang patunay sa tinatawag na “relationship goals” na talaga nga namang “achieve na achieve”, dahil magkasama silang naging OFW at sabay ring tinupad ang kanilang pangarap.

Ang magkasintahan ay nakipagsapalaran sa Taiwan at nagtrabaho bilang factory worker. At matapos nga ang tatlong taong pagsasakripisyo, at pag-iipon, ang lahat ng hirap at pagod ay napawi na, dahil ang pangarap na kanilang minimithi ay nabigyang katuparan na. Sa loob lamag ng tatlong taon, nakapagpatayo na sila ng kanilang pangarap na bahay.

Hindi naging madali ang landas na tinahak ng dalawa sa pag-abot ng kanilang pangarap, ngunit dahil sa kanilang pagkapit sa pangarap at pagsusumikap, ang pangarap na inaasam ay natupad rin. Ngunit, ano nga ba ang kanilang ginawa upang sa loob ng maikling panahon ang pangarap na minimithi ay matupad?

Ibinahagi nga ni Ricky ang ilang tips at tamang diskarte upang matupad ang pangarap sa loob lamang ng maikling panahon.
1. Ayon kay Ricky, bago ka magpasyang magtungo sa ibang bansa ay dapat may malaking rason ka. Dahil ito ang magiging sandata mo upang labanan ang anumang hamong naghihintay sa iyo sa abroad. Ito ang magiging lakas ng loob at inspirasyon mo upang matupad ang pangarap sa buhay.
2. Kapag nasa abroad na at kumikita na ng pera, kinakailangan na marunong kang magbudget ng bawat kita at higit sa lahat ay dapat sa bawat sahod mo ay may naitatabi kang pera na inilalaan para sa pangarap. Ang magkasintahan ay magkasamang nag-ipon, kung kaya’t unti unti nilang naabot ang kanilang pangarap.
3. Ipagpatuloy ang pag-iipon at huwag matukso sa mga bagay na hindi naman kinakailangang bilhin. Dapat sa pag-iipon, ang tanging nasa isip lamang ay ang layunin kung bakit nasa abroad at nagtatrabaho. Mag-ipon ng mag-ipon hanggang sa makaipon ng malaki.
4. Pag-igihin pang lalo ang sarili sa pag-iipon hanggang sa makakaya. Ayon kay Ricky, kahit na napapagod na ay hindi dapat magkaroon ng dahilan upang huwag mag-ipon, dahil sa bawat dahilan ay mas lalong nagiging mahirap ang pagtupad sa pangarap na inaasam. Kailangang unahin muna ang mag-ipon sa kahit na anung bagay, bago bumili ng mga mamahaling gamit, mag-ipon, bago magpahinga, mag-ipon. Malaki ang maitutulong nito upang agad matupad ang pangarap.
5. Higit sa lahat, ang pinakaimportante sa lahat ng tips ay ang pananalig at pagtitiwala sa Diyos. Palaging manalangin at magtiwala sa Diyos na balang araw ang pangarap na minimithi ay matutupad rin. Malaki ang maitutulong nito habang nasa abroad, sa tuwing nawawalan ng pag-asa at nahihirapan ay manalangin upang maibsan ang nararamdaman. Ito rin ang magbibigay ng lakas ng loob upang magpatuloy sa pag-abot ng pangarap. Magtiwala at maniwala lamang sa Diyos.



Tunay nga na isang inspirasyon ang ipinamalas ng magkasintahan. Dahil sa kanilang determinasyon, pagsusumikap at pananalig sa Diyos ang pangarap na minimithi ay nakamit na.
At ngayon nga, masaya nilang tinatamasa ang bunga ng hirap at pagsasakripisyo nila sa ibang bansa bilang OFW. Higit sa lahat, hindi sila nakalimot na magpasalamat at humingi ng gabay sa Diyos sa landas na kanilang tatahakin patungo sa tagumpay.