Liza Soberano, Ibinahagi ang Kanyang Rason Kung Bakit niya Pinasok ang Mundo ng Showbiz sa Murang Edad

Ang mga artista sa industriya ng showbiz ay may kanya-kanyang dahilan kung bakit mas pinili nilang pasokin ang magulong mundo ng showbiz. Ang ilan nga ay dahil bata palang ay pangarap na nilang sumikat at maging artista. May ilan rin naman na nais nilang ipakita ang kanilang taglay na talento kaya pinasok nila ang pag-aartista. Mas marami naman ang mga artista na nagmula sa hirap at nais mabago ang buhay at tulungan ang kanilang pamilya.




Ngunit, sa pag-abot ng kanilang mga pangarap na maging matagumpay sa industriya ay may nagsisilbing inspirasyon upang ang mga pagsubok na kanilang kahaharapin ay malampasan. Marahil, ang ilan sa kanila ay pamilya ang dahilan kung bakit pinasok ang mundo ng showbiz at sila ring nagbibigay ng lakas ng loob upang kanilang makamit ang tagumpay nang sa gayon ay mabago ang kanilang buhay.

Ngunit, ang aktres na si Liza Soberano ay ano kaya ang dahilan kung bakit sumabak sa pag-aartista sa murang edad?

Ang aktres na si Liza Soberano ay sampung taong gulang nang iuwi siya ng kanyang lola sa Pilipinas upang makita ang kanyang ama, na noon ay iniwan siya sa U.S noong siya’y isang taong gulang pa lamang. Ngunit, sa pananatili niya sa Pilipinas sa piling ng kanyang ama, napagtanto ni Liza ang hirap ng buhay na mayroon sila at nais niyang tulungan ang kanyang ama kaya naman napagpasyahan niyang pasokin ang mundo ng showbiz.

Ngunit, maliban dito may mas malalim pang dahilan ang aktres kung bakit sa murang edad ay pinasok niya ang mundo ng showbiz at patuloy na nagsusumikap sa pag-abot ng mga pangarap. Bagama’t, napakahirap ang buhay pag-aartista ay kinakaya ng aktres ang lahat ng pagsubok na kanyang kinakaharap. At isa nga sa dahilan ng kanyang pagsusumikap at nagbibigay ng lakas ng loob sa kanya upang magpatuloy ay ang adhikain niyang makasama ang kanyang mga kapatid sa iisang tahanan.




“I saw that as an opportunity to be able to help. Help my dad, help my siblings. My motivation ever since then has been to complete all of my siblings under one roof,” saad ng aktres.

Sa panayam kay Liza ni Fr. Tito Caluag, ibinahagi ng aktres na bagama’t kasama niya ang kanyang mga grandparents habang naninirahan sa America, ay masaya naman siya sa pagkakaroon ng maraming kapatid sa side ng kanyang ina.

“I grew up with my grandparents. Eventually I was also adopted by them so by law, they are my real parents. For that reason, I wasn’t able to grow up with the rest of my siblings on my mom’s side. But I was fortunate enough that my grandparents always allowed me to visit them during summer and during Christmas break,”pahayag ng aktres.

“I got close to them. Ever since I was young, I always enjoyed having a lot of siblings. I knew that I always wanted us to be all together or to be complete,”dagdag pa niya.

Inamin rin ni Liza na hindi madali ang buhay sa mundo ng showbiz sa dami ng pagsubok sa maaaring maranasan. Ngunit, hindi siya nagpapatinag sa anumang pagsubok na kanyang nararanasan dahil sa kanyang layunin at higit sa lahat ang kanyang ama at mga kapatid ang sisilbing inspirasyon at nagbibigay ng lakas ng loob sa kanya upang ang pangarap na kanyang hinahangad ay mapagtagumpayan.

“Being an artista is really hard. You face judgment from a lot of people that you don’t necessarily know and you get criticized for doing something that you hope will inspire or make other people happy. It’s not easy but my motivation has driven me to work extra hard and to not give up because I know that there are people that count on me,” pahayag ni Liza.