Kilalanin: 10 Celebrity Personality Na Pinaka-Mayaman Sa Pilipinas

Sa industriya ng showbiz ay marami ang matutunog na pangalan, sikat na sikat sa kani-kanilang mga natatanging kontribusyon sa mundong kinagagalawan. Sino ba naman ang hindi mapapahanga sa tuwing sila ay mamasdan sa harap man ng kamera at maging sa likod nito.




Samantala bukod sa nakakabit na katanyagan at kasikatan sa kanilang pangalan sinu-sino nga ba sa ating mga iniidolong personalidad ang bukod sa kilalang-kilala at namamayagpag sa mga kani-kanilang karera ay pinagpala ang mga ito ng sobrang kayamanan.

Ating kilalanin ang bawat isa sa kanila:

10. Kapamilya ‘Unkabogable’ Vice Ganda (75 Million Pesos)

Oo si Jose Marie Borja Viceral o mas kilala natin bilang Vice Ganda ang ang araw-araw nanbumibida sa ating katanghalian ang isa mga kasalukuyang pinakamayaman na celebrity sa ating bansa. Siya ay kasalukuyang host ng Kapamilya noontime variety show na ‘It’s Showtime’ na talaga namang pinakaabangan dahil sa iba-iba nilang pakulo sa oras ng katanghalian.

Samantala bukod pa sa pagiging host ay kilala din ang Kapamilya artist sa galing sa pag-arte sa katunayan ay walo sa pinagbidahang pelikula ni Vice ay pasok sa pagiging ‘highest grosser film’ sa industriya ng pelikula sa ating bansa.

9. Model-Politician Lucy Torres-Gomez (Net Worth: 100 Million Pesos)

Ang magandang modelo at aktres na bumida sa Kapamilya Show na “Richard Loves Lucy” kung saan nakatambal ang real-life husband na si Richard Gomez. Samantala bukod sa pagiging host at actress ay brand endorser din ang 45 na taong gulang na aktres ng kilalang brand na ‘Bench’. Sa kasalukuyan siya Representative ng 4th District sa bayan ng Leyte. Mula sa kilalang pamilya ng ‘Martinez-Torres’ na nagmamay-ari ng malalaking lupain sa kanilang probinsiya.




8. Actor-Politician Ramon ‘Bong’ Revilla (Net Worth: 100 Million Pesos)

Samantala, kasama din ang 53 na taong gulang na aktor na tubong Cavite sa mga personalidad na pinakamayaman sa ating bansa. Ang proud husband ng dating aktres na si Lani Mercado at proud daddy ng mga anak na sina Jolo, Inah Felicia, Bryan, Luigi, Viktoria Gianna, Franzel Loudette at Ramon Vicente. Bukod pa sa pagiging magaling na aktor sa mga pelikulang “Ang Panday” at “Captain Barbell” ay kasalukuyan siyang isa Senador sa ating bansa.

7. Queen-of-All-Media Kris Aquino (Net Worth: 120 Million Pesos)

Pasok din ang anak na babae ng dating Senador Benigno ‘Ninoy’ Aquino Jr. at dating Pangulong Cory Aquino. Bukod pa sa kilalang pamilyang pinagmulan ay isa din siyang aktres, host at endorser. Isa sa mga pinakasikat niyang pelikula ay ‘Pido Dida’, ‘Feng-Shui’ at ‘Sukob’. Samantala kilala din ang aktres sa kanyang pagiging philanthropist at pagiging matulungin.

6. Bossing Vic Sotto (Net Worth: 150 Million Pesos)

Ang Bossing ng Longest Running Noontime show sa ating bansa na Eat Bulaga na nakilala din bilang Mr.Boom sa segment na “BOOM”. Ang 65 na taong gulang na aktor ay ang may-ari din M-Zet Productions at tumanggap din siya ng karangalan matapos niyang manalo ng apat na beses bilang ‘Box Office King’. Sa ngayon ay masayang kasama ang asawang si Pauleen Luna at ang bunsong anak na si Baby Talitha.




5. Ricky Reyes (Net Worth: 200 Million Pesos)

Sa kabilang banda, ang kilalang hairstylist na si Ricardo Enriquez Reyes na mas kilala ng mga kasamahan bilang “Mother Ricky” ay pasok sa top 10 ng pinakamayayaman ng celebrity personality sa ating bansa. Ang nagmamay-ari ng kilalang Ricky Reyes Salon na mayroon ng 44 na branch dito sa ating bansa. Samantala kinilala din ang 69 na taong gulang na hairstylist ng Forbes Magazine bilang isa sa mga 48Heroes of Philanthropy sa Asia-Pacific region.

4. Star For All Season Vilma Santos (Net Worth: 500 Million Pesos)

Hindi rin patatalo ang nag-iisang “Ate Vi” sa industriya ng showbiz dahil sa galing sa pag-arte at kinilala din bilang Grand Slam Queen, Queen of Queens. At pinarangalan din bilang “Enduring Grand Dame of the Philippine Film Industry ng Toronto International Film Festival noong taong 2013. Siya din ay naglingkod sa publiko bilang Mayor ng Lipa City, Gobernador ng Batangas at naging Member na din ng House of Representative.

3. ‘Kuya Wil’ Willie Revillame (Net Worth: 600 Million Pesos)

“Bigyan ng jacket yan!” sino ba naman ang hindi matutuwa kapag narinig mo ng sinabi yan ng Kapuso Wowowin Host na si Willie Revillame at masasabing hindi talaga matatawaran ang galing niya sa pagpapatawa. Samantala bukod sa angking galing sa paghohost ay kilala din magaling na businessman ang komedyante sa katunayan siya ang may-ari ng kilalang ‘Wil Tower Mall’ na matatagpuan sa Quezon City kung saan partner niya ang business tycoon at kaibigang si Manny Villar. At ilan sa pagmamay-ari niya ay ang isang mansiyon at rest house sa Tagaytay at mayroon din siyang sariling yate at pribadong jet.




2. MegaStar Sharon Cuneta (Net Worth: 1 Billion Pesos)

Ang kasalukuyang ‘The Voice Teen’ judge ay ang pangalawa sa pinakamayaman na celebrity sa ating bansa. Hindi matatawaran ang pagiging magaling niya na artista kung saan bumida siya sa 54 na pelikula, 10 mga palabas sa telebisyon at maging sa larangan ng pag-awit kung saan nakapagrecord siya ng 40 album. Sa kabilang banda bukod sa galing sa pag-arte ay nakilala din ang aktres dahil sa pagiging endorser at maging sa business niyang build and sell gayundin sa kanyang personal na mga vlog sa Youtube.

1. Pambansang Kamao Manny Pacquiao (Net Worth: 9 Billion Pesos)

“Wala Kang Katulad Manny” napatunayan ng ‘Fighting Pride’ ng Saranggani na siya ang kasalukuyang pinakamayaman na celebrity sa Pilipinas. Nagmamay-ari lang naman si Manny at ang asawang si Jinkee ng 103 na properties, ilan dito ay ang mansiyon nila sa Forbes Park at mayroon din silang property sa Los Angeles California. Mayroon din iba’t ibang uri ng mamahaling sasakyang ang 8th Division World Champion. At bukod sa career sa pagboboxing kung saan kinilala siya bilang Fighter of the Decade ay bumida din si Manny sa mga pelikula at naging host sa telebisyon. Sa ngayon ay masaya siyang naglilingkod bilang isang public servant sa ating bansa. Iba ka talaga Manny.