Humanga: ‘Family Goals’ Ng Pursigidong Mag-asawang Magsasaka Hinangaan sa Social Media Matapos Magawang Pagtapusin Sa Kolehiyo Ang Walong Mga Anak

“It’s always seems impossible until it’s done –Nelson Mandela”, wala naman talagang imposible sa isang taong handang gawin ang lahat makamtan lang ang minimithing tagumpay. At masasabing anuman ang mangyari at pagdaanan ay panghahawakan niya ng mahigpit ang kaniyang inaasam na pangarap hanggang sa tuluyan na itong mapasakamay.

Ito ang pinatunayan ng mag-asawang sina Diosdado Cataraja Sr. at Libelita Tauto-an Cataraja na mga simpleng magulang lang mula sa bayan ng San Remigio, Cebu matapos nilang pagtapusin sa kolehiyo ang walong mga anak. At masasabing hindi nila ginawang dahilan ang pagiging mga magsasaka lamang kung hindi bagkus ay mas nagpursigi pa sila na matustusan ang edukasyon ng kanilang mga anak hanggang sa mapagtapos nila isa-isa ang walong anak.

Sa Instagram ng panganay na anak nilang si Jovy Cataraja-Albite ibinahagi niya ang larawan nilang magpapamilya at malaki ang pasasalamat nilang magkakapatid sa walang katulad na determinasyon ng kanilang mga magulang,

“Wala q kahibaw onsaon pag sugod pero salamat aning duha ka tao (mama &papa) nga bisan sa kalisod nga atong na agian sa kinabuhi wala mi ninyo pasagdi. Thank you for believing in us and for not giving up on our dreams. I saw how hard life has been for us specially during my college days. There were times when I wanted to give up but I know what I want in life and that I wanted to help my siblings too. Being the eldest of the family is not easy and standing as the second mom of my siblings is even the hardest but I tried. Thank you for pushing me those times when I wanted to give up“, pahayag pa ni Jovy.

Sa kabilang banda, malaki din ang pasasalamat nila sa mga taong walang sawang sumuporta at tumulong sa kanilang magpapamilya,

“Pray, work, believe and it will be given unto you. Thanks to everyone who were there to support us during the hardest times of our life. We are blessed beyond words. Thank you is not enough for our family, relatives and friends who never get tired of helping us. It’s payback time now(dears parents).May our story be an inspiration to others for not giving up on their dreams…PROFESSIONALS nami tanan walo mi kabook ug proud mi nga FARMERS among parents!“, pasasalamat pa ng babaeng anak ng mag-asawang Diosdado at Libelita.

Ilang netizen ang napahanga sa bukod tanging ‘family goals’ ng pamilyang Cataroja,

“Claire Molit – Letaba -Congratulations to all of you maam jov and to the proud parents.. ❤️❤️❤️“,
“Cye Panimdim super maka inspired.. Praise God for sharing this inspirstional and aspirational story of yours.“,
“Josephine T. Alegre -Congrats to the proud parents “.

Nakakabilib at nakakainspire po kayo pamilya Cataraja sa “family-goals” niyo, Congratulations po!!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *