Goddess of Youth: Sa Edad Na 51, Dentista Mula Sa South Korea, Napagkakamalang Kapatid Lamang Ng Kanyang Anak

May mga tao na sadyang nananatili pa rin ang batang mukha sa kabila ng kanilang edad. Ang ilan nga sa kanila ay hindi aakalain na may edad na at may anak pa.

Kagaya na lamang ng isang dentista mula sa South Korea na lumikha ng ingay sa social media at binansagan pang “Goddess of Youth” dahil sa kanyang bata at napakagandang mukha na tila mala-dyosa. Ngunit, sino ang mag-aakala na ang napakagandang dentista na may batang mukha ay 51 taong gulang na? Maliban dito, ay may dalaga na rin siyang anak na maihahalintulad ang ganda sa kanya. At kadalasan nga ay napapagkamalan pa siyang kapatid lamang ng kanyang anak. Ngunit, ang pagiging bata niyang tingnan ay hindi nagugustuhan ng kanyang anak.




Ang dentista na napakaganda parin sa edad na 51 at napanatili ang kanyang batang hitsura ay nagngangalang Lee Su Jin. Kadalasang napagkakamalang teenager lamang si Lee o kaya naman ay nasa 20’s pa lamang siya. Marami rin ang hindi makapaniwala na 51 na siya dahil nga ang katandaan ay hindi masisilayan sa bata at maganda niyang mukha. Ngunit, ang kanyang dalagang anak ay hindi masayang makitang abala ang kanyang ina sa social media dahil sa mga tagahanga nito.

Kaya naman, ang pagiging sikat ni Lee sa social media ay nagdulot ng hindi magandang pagkakaunawan sa pagitan nilang mag-ina. Ayon naman kay Lee, hindi na raw siya kinakausap ng kanyang anak ng pumasok na ito sa middle school. Marahil, nakakatanggap umano ang kanyang anak ng mga komento mula sa mga kamag-aral tungkol sa pagiging bata niyang tingnan.

At dahil hindi kinakausap si Lee ng kanyang anak, dumating umano ang puntong mas naging malala pa ang galit na nararamdaman ng kanyang anak sa kanya dahil sa labis niyang pagbibigay atensyon sa kanyang mga tagahanga sa social media. Naghahanap rin ng makakausap at mapapagbalingan ng hinanakit si Lee sa social media ngunit ang ginawa niyang ito ay mas lalong nagdulot ng hindi maganda sa kanyang anak.




Ngunit, hindi naman nagtagal, ang hidwaan sa pagitan ng mag-ina ay natapos rin. Mabuti na lamang at naimbitahan silang sumali sa isang reality show na “Same Bed, Different Dreams”. At napakalaki ng naitulong sa kanilang mag-ina ng programa, dahil naintindihan na ni Lee kung bakit nagagalit sa kanya ang kanyang anak. Maging ang anak ni Lee ay naunawaan na rin na hindi naman kasalanan ng kanyang ina ang pagiging batang tingnan sa kabila ng edad nito.

At ngayon nga, ay naayos na ang gusot sa pagitan nilang dalawa. Samantala, makikita naman sa Instagram ni Lee ang larawan ng kanyang anak. Patunay na may maganda na silang samahan bilang mag-ina at magkaibigan. Nakakatuwa ring isipin na sa huli, ay natanggap na ng dalagang anak ni Lee ang batang mukha ng kanyang ina at maging ang pagkauhaw nito ng atensyon mula sa mga tagahanga at kaibigan sa social media.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *