Sino ba ang hindi nakakaalam sa Kapamilya Reality Show na Pinoy Big Brother at sa tuwing muling bubuksan ang bahay ni Kuya para sa mga bagong gustong maging housemate libo-libong mga nagnanais ang muling susubok na makapasok dito. At sa sinumang papalarin na mabigyan ng pagkakataon ay buong puso niyang patutunayan na siya ang karapat-dapat na bigyan ng titulong ‘Big Winner’.
At para sa dating housemate at naging big winner ng adult edition ng Pinoy Big Brother isang life changing talaga ang nangyari sa kanya matapos na kilalaning Big Winner ng Kapamilya Reality show. Tunay ngang malayo na ang narating ng dating delivery man mula sa bayan ng Inabanga, Bohol.
At matapos manalo ng malaking papremyo sa reality show maraming opurtunidad ang nagbukas kay Yamyam mula sa mga kabi-kabilang mall shows, interview at maraming guesting ang natanggap niya. Sa kasalukuyan ay kabahagi siya ng programang ‘Home Sweetie Home’ kung saan nakakasama niya ang mga kilalang artista na si Luis Manzano, Toni Gonzaga at Alex Gonzaga.
Sa kabilang banda, bukod sa tagumpay niya bilang artista ay marami na rin naabot ang ex-housemate, mula sa kanyang negosyo na bakeshop na tinawag niyang “Yamito’s Bakeshop – Tinapay ng Big Winner” na talaga namang naging malago na sa katunayan ay may plano na siyang magkaroon ng branch dito sa Maynila.
At lahat ng mga tinatamasang pagpapala ay pamilya niya ang kanyang pinag-aalayan,
“Kasi kusa ko talaga itong ginagawa, kasi ganito ko sila kamahal. At saka ayokong makita sila nang gaya ng dati na mahihirapan o makita ko silang umiiyak dahil sa gutom”, mababasa pa sa isa niyang pahayag.
Samantala, bukod sa bagong negosyo ay napabalitang muling nakapagpundar ng bagong sasakyan si Yamyam at ngayong taon ay may panibago siyang gustong makamit sa buhay ang magbalik eskwelahan upang makapagtapos ng pag-aaral,
“Sana mag-aaral ako this year, pero maraming pumapasok na raket e, yung blessings. So kung babalansehin ko, parang mahirap siya. So siguro next school year”, pagbabahagi pa ng Kapamilya artist.
Ilang mga tagahanga ang nagpaabot ng mensahe sa kanilang iniidolo,
“milacuevasdelacruz love you always Yamyam,, God bless you more and more mwah,, ❤️❤️❤️???”,
“brownsusatimtim We love you #yamyamgucong???nandirito lang kami yam sumosuporta sau hanggang dulo ?????”,
“irishgreece3030 ????? goodluck, and always pray to God.”.