Talagang sobrang moderno na ng ating mundo ngayon mula sa simpleng kagamitan tulad ng bluetooth device, mga mobile apps kung saan maari ka ng magproseso ng mga order mo at magbayad ng bills payment mo. Matatanung mo na lang hanggang saan nga ba ang iuunlad at ilalago ng teknolohiya sa ating mundo.
Ang magkaroon ka lang ng modernong sasakyan sa kasulukuyan kung saan hindi ka na maliligaw dahil may magtuturo na sayo ng daan kung saan ka patungo ay isang malaking kaginhawaan na naibibigay ng makabago nating panahon.
Samantala, masayang ipinakita ng ‘cosplayer-actress’ na si Alodia Gosiengfiao sa kanyang Instagram ang kakaiba at bagong sasakyan niya,
“My voice-automated van tour vlog is up!! Link in my bio ?? Made by @atoycustoms and @lifesmartofficial !” masayang pagbabahagi ni Alodia.
Kilala si Alodia sa galing niya sa pagcocosplay ng mga sikat na karakter at madalas siyang maimbitahan sa mga malalaking event kung saan minsan ay naka-cosplay costume din siya. Kamakailan lang ay dumalo siya sa malaking event na WCG na ginanap sa bansang China kung saan pinakita niya ang cosplaying talent.
Samantala, bukod sa galing niya sa cosplay kilala din sa Alodia dahil sa mga sikat na vlog niya kung saan hinahangaan din siya ng maraming follower.
At dahil talagang mahilig magvlog ang 31 na taong gulang na ‘cosplayer queen’ ng Pilipinas naisipan niyang ipacustomized ang magiging bagong sasakyan kung saan pwede siyang gumawa ng vlog habang nasa loob ng sasakyan at bumibiyahe.
Sa tulong ng kilalang ‘Atoy Customs’ ay nagawa nilang mas pagandahin ang Hyundai H350 matapos nilang gawin itong makabagong cabin style at sa loob nito ay makikita ang dalawang adjustable ‘leather captain seats’ na sinamahan pa nila malaking sofabed na pwedeng ring maiadjust kung saan maaring magpahinga si Alodia. Sa loob din ay nilagyan nilang isang convenient na toilet at ng mga makabagong mga kagamitan katulad ng cooler at isang cup holder.
Pero ang mas higit na nagpa-espesyal sa new van ni Alodia ay ang pagiging automated voice feature nito na masasabing pinakauna sa lahat ng mga sasakyan na ginawa ng Atoy Customs. At sa tulong ng LifeSmart Philippines na kilalang gumagawa ng automated houses sa Pilipinas ay nakumpleto ang kauna-unahang smart-van ni Alodia.
Sa video nga na inupload ng magandang dalaga sa kanyang Youtube Channel ay makikita ang iba’t ibang features nito katulad ng automatic lights on at off sa pamamagitan ng voice command.
Sa pamamagitan ng voice command ay pwedeng mapalitan ang kulay ng ilaw sa loob ng magarang smart van, isa pang nagagawa sa modernong sasakyan ay ang karaoke function nito gayundin ang special feature nito na ‘party at chill time’ sa tuwing makikinig ng music. Napangiti naman ang magandang cosplayer na pati pala ang libangan niya sa paglalaro ay naroon din ng banggitin ang ‘Gaming Time’.
Ilang netizen ang masayang nagkomento sa new van ng kanilang idolo,
“juliamarieeelb Astig yung VOICE COMMAND!!!! ??”,
“mishieee05 super ganda ng van ni ate @alodia #sanaol”,
“gemmagarcia615 Congrats on your new van, futuristic all you need to do is pindot pindot and command, you deserve all this, treats you like a king and queen ?”.
More power Ms. Alodia!!!