Angel Locsin, Hindi Nakapagtimpi Sa Netizen Na Nagpangaral Sa Kanya Tungkol Sa Mass Testing

Ang aktres na si Angel Locsin ay kilala ng publiko hindi lamang sa pagkakaroon ng magandang mukha sa industriya ng showbiz, kundi dahil na rin sa kanyang pagiging bukas-palad at matulungin sa mga nangangailangan. Maituturing rin na siya ang real-life Darna at superhero ng taong bayan dahil wala siyang pinipiling sakuna o krisis na dapat niyang pagkalooban ng tulong, sapagkat anumang oras ay handa siyang umagapay.

Ngayong panahon nga ng pandemic at matinding krisis na kinakaharap ng bansa laban sa COVID-19, malaki ang naging papel at naitulong ni Angel sa ating mga kababayan na naapektuhan ng krisis. Magmula sa pamimigay ng mga tents sa mga hospital, hanggang sa pagbabahagi ng mga relief goods sa iba’t ibang lugar ay talagang ipinamalas ni Angel ang kanyang kabutihang loob.




At ngayon nga ay may bagong proyekto na naman si Angel upang tulungan ang ating mga kababayan. Noong March 18, ay nakilahok siya kasama ang Kapamilya Actress na si Anne Curtis sa isang adbokasiya na naglalayon na magkaroon ng mass testing sa bansa.

Sa Twitter, idinaan ni Angel ang kanyang saloobin ayon sa usaping ito, na ang nais lamang niya ay may kawastuhang pahayag mula sa mga nanunungkulan patungkol sa isyu ng mass testing.

“Misquote lang ba ‘to? Kasi hindi ako makapaniwalang hindi tayo nagpre-prepare for mass testing na kailangang-kailangan ngayon”, pahayag ni Angel.

Wala namang ibang nais iparating si Angel sa kanyang mensahe at wala siyang intensyon na balewalain ang sinuman. Ngunit, may ilan na binigyan ng kahulugan ang kanyang nais sabihin na nagdulot ng kaguluhan at kalituhan sa ilang netizens.

Matapos nga ang Tweet na ito ni Angel, ay agad lumikha ng ingay at naging usap-usapan ito online. Ngunit, may isang netizen naman na nagngangalang Kelvin Madali ang umagaw ng atensyon ni Angel, nang pangaralan nito ang aktres patungkol sa pagnanais ng aktres na magkaroon ng mass testing na dapat maisagawa sa bansa.

“Ipagpalagay nating ikaw ang pangulo Ms. Angel, tapos meron kang 110 Million na tao sa bansa mo at lahat sila nagdedemand ng mass testing. Pero alam mo sa sarili mo na hindi kakayanin ng health care system na meron ka na gawin ‘yun dahil limitado lang ang kaya nyung mai-test. Ano ang gagawin mo? San ka kukuha ng 110Million na test kits?”pahayag ng netizen.

“We salute you for always helping those people in need in times of disaster. Pero sana kapag nagbibigay kayong mga artista ng sentiments nyo, ginagamitan nyo rin ng utak.”, dagdag pa nito.




May isang netizen naman na nagngangalang Carlos Blanco nag-share ng post at sinabi:

“Read oh. Common sense at research din paminsan-minsan. ‘Wag Magmamaurong! #MassTestingNow #MassTestingNowPH.”

Ngunit, tila hindi nagustuhan ni Angel ang mga sinabi ng mga ito patungkol sa kanya. Kung kaya’t hindi nakapagtimpi ang aktres at walang pakundangang sinagot ang netizen na nagpapangaral sa kanya tungkol sa ibig sabihin ng mass testing. At ipinaliwanag nga ng aktres sa simpleng paraan kung paano ito gagana ng tama at hindi sa paraan na tinutukoy ng nasabing netizen.

“Ang lakas ng loob mong magsabi ng common sense eh hindi mo nga alam ang meaning ng ‘mass.; Hay. Kung may mass burial ba na gagawin, kasama ka ba sa ililibing bilang buong 110M ng population ang nilalaban mo? Hindi naman, di ba? So anong kinagagalit mo? Kumalma ka.”

Matatandaan na nagsimula ang isyu ng usapin tungkol sa mass testing sa bansa dahil sa kalituhan ng mga mamamayan pagdating sa impormasyon at tamang paggamit ng salitang “mass testing” ngayong panahon ng pandemic.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *