“One of the nicest satisfactions you can have is to be able to give sometimes back to your parents when they’ve given so much to you -Dwight Gooden”,
sa lahat ng mga naging sakripisyo at paghihirap ng ating mga magulang ano nga ba ang maari nating maisukli para sa kanilang walang katulad na pagmamahal. At tunay na masasabing walang katumbas na halaga ang pwedeng nating maibalik para lamang matumbasan ang lahat ng kanilang pagsusumakit na napagdaanan maitawid lang ang pangarap para sa mga anak.
At para sa isang magkakapatid na nagawang igapang ng kanilang mga magulang ang kanilang edukasyon upang makapagtapos sila isang espesyal na pagbabalik ang kanilang ibinigay sa mga ito. Talagang mapapahanga ka sa magulang na magkakapatid dahil kahit karaniwang traysikel drayber lamang ang kanilang ama at mananahi lang ang kanilang ina ay nagawa nilang mapagtapos hanggang kolehiyo ang apat na anak.
Sa opisyal na facebook page ng ‘PESO SENSE’ ay mababasa ang nakaka-inspire na istorya ng magkakapatid,
“Share ko lang po ❤️❤️❤️ Isa pong tricycle driver ang tatay ko (nakikiboundary lang din, walang sariling tricycle). Ang nanay ko naman po ay mananahi (pakyawan). Yung kita po nila sa isang araw ay hindi fix, depende sa gawa at tyaga, ayun lang ang maiiuwing pera. Sobrang hirap po ng pinagdaanan, naging working student kami ng kapatid ko at lahat kami ay pinilit na maging scholar.
Sa tulong at awa naman ng Diyos, nakapagtapos po kaming apat. Ako po ay Elecrical Engineer, ang pangalawa ay Civil Engineer, ang pangatlo ay Math teacher at ang bunso ay Mechanical Engineer. Sa tulong po ng dasal, tyaga at sipag, nakapasa din po kaming lahat sa board exam (1 take)”.
Ayon pa nga sa nasabing post malaki ang pasasalamat nila sa pagtitiis at sakripisyo ng kanilang magulang gayundin sa Diyos na Siyang dumidinig ng ating mga panalangin.l,,
“Siguro po alam ni Lord kung gaano ang sakripisyo ng mga magulang namin para lang maitawid kami sa tagumpay. At ayan din po, sa awa din ng Diyos, nakapagpatayo na din kami ng sariling bahay. Buong buhay po namin, nakatira lang kami sa isang maliit na apartment, ilang hakbang lang nasa kusina at banyo ka na. ? Natutulog kami sa sala.? -Eto po ay patunay na may Diyos. Nakikita nya ang lahat. Kailangan lang po nating manalig at sabayan ng tiwala, sipag at tyaga. Kaya po natin maabot ang lahat, kahit kapos, kahit mahirap. Salamat mga ka-PESO ???”.
Ilang mga netizen ang nagpaabot ng pagbati at paghanga sa magkakapatid,
“Rotairo Vette -we also started from below, we’ve been renting a house in the province for many years, my parents are very hard working specially my father, and because of that, we ended up having a house of our own.. i am truly blessed for having a parents like them. and also thankful for God’s unending goodness on our family.. #Godisgood?”,
“K Anne Rosario Conti -Aaaaw! Kakainspire po ng story nyo. God knows our struggles and acknowledges our hardwork. Salute po sa inyong magkakapatid na di sinayang ang hirap ng magulang, at mas salute po sa mga magulang nyo na di sumuko sa laban. Sana lahat ng mga anak ganito. ?”.
“Lyn Jeme -Congrats ❤❤ hardwork and prayers. Always thank your parents. Very inspirational story #salute hindi hadlang ang kahirapan charott sana all masipag”.