Ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao ay tinitingala at hinahangaan ng publiko hindi lamang sa galing at husay sa larangan ng boksing kundi maging sa kayamanang taglay niya. Nagsimula si Manny sa larangan ng boksing, dahil na rin sa kanyang husay at galing sa laban, marami na siyang napanalunang laban sa larangan na nagdala sa kanya sa katanyagan at tagumpay. Hindi naman maitatanggi na hindi biro ang halaga ng kanyang mga napapanalunan sa kanyang bawat laban.
Kaya hindi nakakapagtaka na may kakayahang makapagpagawa ang Pambansang Kamao ng sarili niyang yate. Isa ngang napakalaking yate o “Super Yatch” sa Saranggani ang kasalukuyang ipinapagawa ng Boxing Champ na si Manny Pacquiao.
Ang sukat ng yate ay talaga nga namang napakalawak dahil may haba itong 45 meters na may kompleto ng kagamitan sa loob. Mayroon itong Master Suite, 13 stateroom, at pribadong alfresco area. Maliban rito mayroon rin itong 14 kwarto, pader na gawa sa ratan at sahig naman ay yari sa Nara.
Bukod sa magagarang silid, panigurado ring makakapagpahinga ka sa yate na ito dahil mayroon rin itong relaxation area, music room, at hot tub sa pinaka-main deck. Dahil sa napakaclass at ganda ng naturang yate sa mga features nito tinagurian itong “Super Yatch”.
Ang M/Y Queen 888 “Super Yatch” ay ginagawa ng Jotar Ship Building sa Saranggani General Santos City na sa kasalukuyan nga ay malapit nang matapos.
Ngunit, gaano nga ba kalaki ang halaga ng perang ginugol ni Manny sa pagpapagawa ng napakalaki at ganda niyang Super Yatch?
Ayon sa ulat, tinatayang aabot ng P500 Milyon na ang halaga ng perang inilalaan ni Manny sa pagpapagawa ng yate o katumbas na ng kalahating bilyong piso.
Tiyak na marami ang nasasabik na makita ang nakapalaki at gandang yate ni Manny na talagang nakakalula rin ang halaga.
Walang duda na isa nga siya sa pinakamayamang personalidad sa bansa.
Mula 2010 hanggang 2019, mayroon ng $435 Milyon on 22 Bilyong piso si Manny. Ayon pa sa Forbes, kasama ni Manny Pacquiao sa Top Ten List of Richest Athletes kung saan siya ang nasa ika-8 puwesto.
Kabilang sa listahan ang Pambansang Kamao sa mga atletang pinakamayaman at kasama niya rin sa listahan ang mga sikat at kilalang atleta na sina Floyd Mayweather Jr., LeBron James, Tiger Woods, Roger Federer at iba pa.
Si Mayweather naman ang Top 1 na may $915 million. Top 2 naman football icon na si Cristiano Ronaldo na may $800 million at Top 3 si Lionel Messi na may $750 million na isa ring football icon.
Maliban sa nakakalulang kayamanan ni Manny, isa rin siyang bukas palad sa kanyang mga kababayan. Kaya naman sa bawat sakuna at krisis na kinakaharap ng bansang Pilipinas ay parati siyang nagbabahagi ng tulong sa mga nangangailangan.