Sunshine Cruz, Sinagot ang Isang Netizen na Nagsabing Puro Papansin lang siya at Pa-curve lang daw ang Alam Habang ang Bansa ay Nasa Crisis

Marami ang maaaring gawin sa loob ng ating tahanan habang tayo ay hindi makalabas dahil na rin sa ipinatupad na lockdown upang labanan ang pagkalat ng COVID-19. Isa na nga sa kapaki-pakinabang na maaaring gawin ay ang pag-eehersisyo dahil nakakatulong ito upang maging malusog at mapanatiling malakas ang pangangatawan.




Ang pag-eehersisyo nga ang naging libangan ng aktres na si Sunshine Cruz sa loob ng kanilang tahanan habang nasa ilalim ng lockdown ang kanilang lugar at hindi malakabas ng bahay. Ayon sa aktres, mahalaga raw na magkaroon ng eherhisyo kahit nasa bahay upang mapanatiling malusog ang pag-iisip at pangangatawan.

Ngunit, tila may hindi sang-ayon sa ginagawang ito ng aktres. Kagaya na lamang ng isang netizen na ginawan ng isyu ang pag-eehersisyo ni Sunshine at sinabi na mas inuuna pa raw nito ang pag-eehersisyo kesa sa pamamahagi ng tulong sa mga nangangailangan ngayong nahaharap sa krisis ang bansa. Ngunit, ang paratang na ito ay foul sa aktres sapagkat mayroon naman siyang ginagawa upang makatulong na hindi na kinakailangang ipangalandakan pa sa social media upang makita ng publiko.
Ayon sa post ng netizen na may user name na @cyruzmacatangay:

“Walang natulong puro pakitang gilas halatang papansin lamang. Extend your help un ang kailangan ngaun hindi ung puro pa-curve.”

Ang paratang ngang ito ng netizen ay kaagad na sinagot ni Sunshine at sinabi na:

“Lol! I am helping in my own way. Ikaw? Have you done your part? If you are bothered by my posts, then don’t look. Now, if you have done your part, then good.”

Ipinaliwanag rin ng aktres ang magandang dulot ng ehersisyo sa ating katawan.

“It is essential for everyone to stay healthy now that we are obliged to stay at home.
“Health and wellness is needed especially at this point in time. I’ve been doing my part.




Sinabi rin ng aktres na tumutulong siya sa paraan na abot ng kaniyang makakaya ngunit hindi na kailangan pang ipost sa social media.

“Tumulong at patuloy na tumutulong sa abot ng aking makakaya but I’d rather not post on social media nalang sana.

“Sa panahon ng crisis, I hope we can lift each other up rather than focusing on negativity.
Ayon pa sa aktres, nais lamang niyang maging inspirasyon sa mga kababaihan na mag-ehersisyo upang maging malusog at hindi lamang puro gadget ang inaatupag habang nasa loob ng tahanan.

“I’m trying to be healthy and trying to influence people and my girls to exercise para hindi lang gadgets ang pinagkakaabalahan kaya wag sana masamain ng iba ang ginagawa ko at pag udyok sa iba na mag-ehersisyo.

Bilang pagtatapos, hinikayat naman niya ang mga netizens sa pag-eehersisyo upang maging masaya at magkaroon ng good vibes habang gumagawa ng mga gawaing bahay.




“Anyways, samahan ninyo na lang ako mag workout bukas para lumabas ang ating happy hormones at makapagluto, laba, plantsa o walis tayo ng may ngiti sa ating mga labi. 9 am tomorrow sa IG live! Stay healthy and be safe family and friends. #goodbvibesOnly.”