Si Onemig Bondoc ay nakilala noong dekada 90 sa mahusay niyang pagganap sa mga teen films at TV series. Nakasabayan rin niya sa larangan ng pag-arte sina Angelu De Leon, Deither Ocampo, Ciara Sotto at marami pang iba. Nakilala rin siya dahil sa kaniyang kagwapuhan at pagiging masayahin kaya naman marami ang mga babaeng humanga at nais siyang makita sa personal.
Ang dating aktor ay maraming mga pelikulang ginawa na hinangaan at napanood sa big screen ng publiko kabilang na rito ang “Tabi-tabi Po” noong 2002, “Jologs” taong 2002 at “Trip” noong 2001. Maliban sa mga pelikula nagkaroon rin siya ng mga proyekto sa telebisyon kagaya ng mga TV series na TGIS o “Thank God It’s Sabado” at “Growing Up”.
Ngunit matapos ang kaniyang matagumpay na karera sa industriya, napagpasyahan niyang iwan ang kasikatan at mamuhay na lamang ng simple at tahimik. Pinakasalan naman niya ang aktres at modelo na si Valerie Bariou na kung saan ay naging ka-double sa stunt ni Rachel Weiz sa pelikulang Bourne Legacy na kinunan ang eksena sa Pilipinas.
Bagama’t naging masaya ang kanilang pagsasama at nabiyayaan ng mga anak, nauwi pa rin ito sa hiwalayan.
At sa isang panayam nga sa dating aktor, inamin niya na naghiwalay sila noong 2013. Dahil naman sa kagustuhang makapiling ang kaniyang mga anak, ipinaglaban ng dating aktor ang kaniyang karapatan at sole custody sa mga ito at sinabi na ang ina ng mga ito ay walang kakayahang maging isang mabuting ina.
Ayon kay Onemig, parati raw iniisip ni Valerie na ito lamang ang tama sa lahat ng bagay at walang sinuman man ang maaaring magkamali sa paligid nito ngunit kapag ito ang may pagkakamali ay iniisip nito na siya lamang ang maaaring gumawa ng mali.
Kaya naman hindi nagtagal ang kanilang pagsasama at nauwi sa hindi pagkakasundo. Ngunit, sa naging pahayag ni Onemig, sinabi niya na mahal na mahal niya ang kaniyang mga anak. Kaya naman hindi siya makakapayag na mapunta ang mga ito sa inang kagaya ni Valerie kung kaya’t ipinaglaban ito ni Onemig. Hindi naman nabigo ang dating aktor at nagtagumpay nga siya sa pagkuha ng sole custody ng kaniyang mga anak.
Sa kasalukuyan nga ay masaya nang magkasama at namumuhay ang mag-aama sa probinsiya ng Bataan sa Mariveles kung saan ay may food franchise business ang dating aktor. Makikita naman sa Facebook profile nito, na masaya na siyang namumuhay na malayo sa mga mata ng mga taga-hanga at publiko. Isa na rin siyang avid cyclist sa ngayon.
Kaya naman ang pamumuhay sa probinsiya ay talagang naeenjoy niya upang maging malusog at nakakapag-relax na rin sa taglay na ganda ng mga tanawin sa probinsiya.