Ang Mahal na Araw ay isang mahalagang pagdiriwang para sa mga Kristiyano, at noong nakaraang linggo lamang ay ipinagdiwang natin ang Mahal na Araw. Isa nga sa mga espesyal na araw na ipinagdiriwang ay ang Easter Sunday o ang araw ng pag-alaala sa muling pagkabuhay ni Hesus na talagang inaabangan natin kung saan sumisimbolo ng pagbunyi at panibagong pag-asa. Kung kaya’t ang araw na ito ay ating pinaghahandaan kung saan ay gumagawa tayo ng mga iba’t ibang klaseng disenyo ng itlog at nagkakaroon rin ng simpleng salu-salo.
Ang mag-asawang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli ay naging espesyal ang pagdiriwang ng Easter Sunday dahil ito ang unang pagkakataon na ipagdiriwang nila ang Easter Sunday bilang mag-asawa. Mas lalo namang naging masaya ang pagdiriwang nilang ito dahil nakasama at naka-bonding rin nila ang pamilya ni Matteo.
Ang nanay ni Matteo na si Mommy Glenna ay nagbahagi ng mga larawan sa Instagram ng masaya nilang pagdiriwang ng Easter Sunday.
Kabilang nga sa mga larawang ibinahagi ang larawan nina Sarah at Matteo na makikitang abala ang mga ito sa pagpipintura ng mga itlog. May larawan ring kuha na makikita ang pagiging sweet nila sa isa’t-isa habang nagsusubuan ng ubas.
“Happy Easter everyone. Family is everything. Godspeed”,
caption sa post ng ina ni Matteo.
Makikita rin sa ilang larawan ang mga kapatid ni Matteo na sina Paolo at Georgia na masayang gumagawa ng Easter egg. Nagkaroon rin isang masayang salu-salo ang mag-asawa kasama ang pamilya ni Matteo.
Ang mga taga-hanga naman nina Sarah at Matteo ay nagpaabot ng kanilang pagbati.
“Napakasimple ni Sarah. Matteo looks at her so lovingly. She must’ve done a lot of things right to have that in her lifetime. Awww.”
“Guwapo ni Matteo na bagong gising. I’m happy for the couple. Meant to be na ikinasal sila.”
Maliban sa espesyal na selebrasyon sa arae na ito, kanila rin ipinagbunyi at pinasalamatan ang isang biyayang sanggol na paparating mula sa sinapupunan ni Georgia.
Matatandaang ikinasal sina Sarah at Matteo noong nakaraang Pebrero sa isang hotel sa Bonifacio Global City kung saan ay naging usap-usapan ng publiko dahil sa kontrobersyang likha ng ina ni Sarah.