Si Maine Mendoza ay unang nakilala sa kaniyang mga dubmash at tuluyang naging bahagi ng Eat Bulaga kung saan naging kalove team niya si Alden Richards at nakilala nga ang dalawa na talagang inabangan ng marami at siyang nagdala sa kanila sa tagumpay. Ang talento ni Maine ay nahubog ng hindi dumadaan sa workshop at isinalang kaagad siya sa harap ng camera. Ngunit, hindi niya naman binigo ang mga manonood na mabigyan ng kaligayan.
Ang binansagang Phenomenal Star na si Maine Mendoza ay hindi lamang talento ang taglay kundi taglay rin ang pagkakaroon ng mabuting kalooban at pagiging matulungin sa kapwa. Bagay na mas lalo pang hinahangaan sa kaniya ng publiko.
Ngayon ngang nahaharap ang bansa sa krisis na dulot ng COVID-19, ipinamalas ni YayaDub ang kaniyang kabutihang loob at pagtulong sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga corona kits na siya mismo ang gumawa. Ang kit na ito na may laman na ibat-ibang klase ng pang-disinfect laban sa virus ay tinawag niyang ‘Coronashowbiz eye kit made with love’. Dahil nga nananatili lamang sa loob ng tahanan, mas maraming bakanteng oras si Maine, lalo na’t walang trabaho kung kaya’t naisip niya na gumawa na lamang ng personalized corona kit upang makatulong.
Una namang nakatanggap ng personalized corona kit ang mga sisters niyang sina Nikki at Coleen. Pinost ni Coleen ang corona kit sa kanyang Instagram story:
“Coleen, Taba, Corona kit made with love. Take care ‘coz I care! ILY! (heart emoji) Meng.”
Ang nasabing corona kit ay naglalaman ng facial cleansing wipes, feminine wipes, disinfecting wipes, body wipes, toilet seat cover, cetaphil face wash, alcohol, soap (hygienix), facial tissue, off lotion, emergency band aid.
Ang note naman na nakalakip sa corona kit ay sinagot ni Coleen:
“Hihihi, ang cute mo, @mainedcm, sweet mo naman lahat kami in-effort at ginawan mo nito. Buti na lang, germophobe ka, matic na may stock. Ingat sa Maniluhhh, Labyo!
Maging ang mga highschool friends at kaibigan ni Maine ay kaniya ring pinadalhan ng corona kit. At isa nga sa mga nakatanggap ang kaibigan niyang si Christine Babao na mas malaki ang pouch dahil may dry shampoo pa raw itong kasama. Nagpahatid naman ng pasasalamat ang kaibigan niya.
Caption ni Christine
“sa panahon ng #Covid19, ang saya mabigyan nito, kinarir ang contents. Thanks M, you are so sweet and creative! Stay safe & Covid19 Free!”