Tunay nga na pagdating sa usapang sining, walang makakapigil sa talentong taglay ng sinuman sapagkat maaari paring ipamalas ang kahanga-hangang talento gamit ang anumang bagay. Kahit anong bagay ay maaaring magamit sa paglikha ng isang sining, at dito na nga lalabas ang pagiging malikhain.
Kagaya na lamang ng isang nurse na ipinamalas ang husay sa sining gamit lamang ang hiringgilya at karayom na kung saan ay nakabuo siya ng artwork na alay para sa Inang Bayan at kapwa frontliners habang nasa gitna ng pakikipagsapalaran sa COVID-19.
Sa facebook post, ibinahagi ng nurse na si Kimberly Joy Mallo Magbanua na nagmula sa Valladolid District Hospital na matatagpuan sa Negros, Occidental. Ang artwork na kaniyang alay sa mga bagong bayani ay tinawag niyang “Inang Bayan”, kalakip ng napakamalikhain niyang artwork ay isang tula na sumasailalim sa kaniyang saloobin.
“I got inspired by the thoughts that popped into my mind yesterday so I painted a syringe art and write a poem about her,” aniya.
Makikita sa nabuo niyang syringe artwork ang mga frontliner na nagsasagawa ng operasyon sa watawat ng Pilipinas.
“Our motherland is sick… She’s battling inside the operating room now. Can we help her move to the recovery room or help her transfer to the ward as soon as possible?” aniya.
Hinikayat naman niya ang ating mga kababayan na magkaroon ng pagbabayanihan at pagtutulungan tungo sa sama-samang paghilom.
Ang tula namang kaniyang ginawa ay liham ng Inang Bayan para kay Juan. Kung saan ay sinabihan ng Inang Bayan si Juan na makipagtulungan sa kaniyang mga kapatid upang malampasan ang pagsubok na kinakaharap.
“Makipagtulungan ka sa kapatid mo para ako’y gumaling. Sila ri’y nagsasakripisyo para sa huli’y ang pamilya nila’y makapiling din,”.
“Uukit sa kasaysayan kapag tayo’y nagkaisa. Sa mahal na bayan, magbabaga ang pag-asa. Sa Poong Maykapal tayo ay manalangin. Siya’y may awa ay dasal nati’y didinggin.”
Hinahangaan ng marami ang kaniyang malikhaing obra ng sining.
“God bless your soul. This artwork is a masterpiece and what we need at the moment. Proud of you,” komento ni Brey M.
Panoorin dito kung paano niya ginawa ang artwork: