Talaga nga namang napakalaking bagay ang pagkakaroon ng sariling lupa, hindi lamang para pagtayuan ng magandang bahay, kundi pati na rin para pagtamnam ng mga sariwang gulay at prutas. Kaya naman maging ang mga kilalang personalidad ay naglalaan ng sapat na salapi upang makabili ng sariling lupa at naglalaan ng espayo para sa bakuran upang makapagtanim ng mga nais na halaman at gulay.
Ang pagtatanim naman sa bakuran ng mga gulay at prutas ay labis rin ang pakinabang na hatid at nakakatulong rin sa pang-araw-araw na pangangailangan na maaaring gamiting sangkap sa pagluluto ng pagkain. Bukod sa nagdudulot ng sariwang hangin ang mga halaman na tanim, makakatipid rin ng salapi sapagkat hindi na kinakailangang maglabas ng pera upang bumili ng gulay sa palengke. At higit sa lahat, makakatiyak ka na sariwa at masustansiya ang gulay at prutas dahil ikaw mismo ang nagtanim at nag-alaga sa mga ito. Ang sariwa at masustansiyang pagkain at gulay ay labis na nakakatulong sa ating katawan upang maging malakas at malusog para labanan ang anumang uri ng sakit.
Kaya naman ang aktres na si Mylene Dizon ay talagang ipinagmamalaki ang kaniyang mga tanim na gulay at prutas sa kaniyang bakuran na siya mismo ang nagtanim at nag-aalaga sa mga ito.
Saad ng aktres, sa tuwing siya ay pumupunta sa kaniyang bakuran upang bisitahin ang mga pananim, siya mismo ang pumapatay sa mga insekto at pesteng namiminsala at kumakain sa mga pananim.
“Actually may slight awa, cute sila ung maliliit na green caterpillar na kinakain ang pechay ko.”
Ibinahagi naman ng aktres ang kaniyang nadaramang kalungkutan hanggang sa ngayon dahil sa pinsalang dulot ng pagputok ng Bulkang Taal noong Enero 12, nang matabunan ng abo ang kanyang mga pananim na carrots.
“Nung binubungkal ko yung mga carrots na ganyan kaliit, ang feeling ko, nag-aabort ako ng baby. Kawawa naman siya…kailangan ko ng kunin. Sad because parang dalawang beses, tatlong beses ka lang makapag-ani.”
Ang bakuran na punong-puno ng mga masustansiyang gulay na pananim ay matatagpuan sa tahanan nina Mylene sa Silang Cavite. Ang magandang dulot naman ng pagtatanim sa bakuran ay masayang ibinahagi ng aktres sa kanyang Instagram. Kanya ring hinikayat ang publiko na magtanim ng mga gulay sa kanilang mga bakuran, sapagkat napakalaking tulong umano ito sa oras ng sakuna at krisis. Ayon sa aktres, ang pagtatanim ng gulay sa bakuran ay maaaring mapagkunan ng pagkain o magsisilbing food security sa oras ng kagipitan.
“Sana kung maaari, kung mayroon tayong maliit na lupa lang na pwede nating pag taniman ng gulay, dapat nagtatanim tayo ng ating sariling gulay dahil iyan ay food security. Kahit anong mangyari, mayroon kang madudukot na pagkain.”
Ipinahayag rin ng aktres na hilig na umano niya ang pagtatanim ng gulay noon pa man. Sa katunayan, kahit noong sa condominium pa raw sila nakatira, naglalaan pa rin siya ng oras upang makapagtanim ng gulay sa balcony ng condo.
Dahil nga hilig ang pagtatanim, dumating rin umano sa puntong plinano niyang gawing negosyo ang mga gulay na produkto ng kanyang pagtatanim upang maging supplier ng mga ito sa bansa.
“I’d like to be able to supply vegetables to far away places. As a business. Kasi sa Palawan, walang gulay. Yung mga El Nido na iyan, they don’t have. They get it from Cebu, Manila.
“If I can do that, why not. Inaaral ko siyang mabuti because I’m hoping that I can inspires others. more than anything…that anybody can grow anything.”
Nang tanungin naman ang aktres kung ano ang mga bagay na nakukuha sa pagtatanim ng mga gulay, ito ang kaniyang naging pahayag.
“Knowing that, I’m able to produce something out of dirt. That I can make a food for the family or the challenge of it because it’s not easy.”
Ipinahayag rin ng aktres ang labis na paghanga at respeto sa mga masisipag na magsasaka, lalo na sa mga organic farmers dahil alam ng aktres na hindi madali ang mga hinaharap na suliranin at hirap na pinagdadaanan ng mga ito sa pagtatanim upang magkaroon ng mga masustansiyang pananim at masaganang ani.
Ibinahagi naman ng aktres ang paraan na kaniyang ginagawa upang mapuksa ang mga peste at insektong namiminsala sa kaniyang mga pananim.
Ayon sa aktres, hindi umano siya gumagamit ng mga pesticides upang patayin ang mga peste, bagkus ay isa-isa niya itong pinipisa at inaalis sa mga pananim.
Ang produkto naman na bunga ng kaniyang pananim na gulay sa kanyang bakuran ay kadalasang ibinabahagi ni Mylene sa kanyang mga katrabaho.