Dahil nga sa kalamidad na dulot ng COVID-19 sa bansa, abala ang ating mga “Local Government Units” o LGU sa paghatid ng tulong sa mga nangangailangan na naapektuhan. Abala nga ang LGU sa pagre-repack ng mga relief goods gaya ng bigas, mga delata at iba pa upang ipamahagi sa mga mamamayan na hindi makalabas sa kanilang tahanan dahil sa pinapairal na enhanced community quarantine.
Kadalasan, tuwing dalawang linggo namamahagi ang LGU ng mga relief goods sa isang lugar upang magkaroon sila ng oras na mabigyan rin ng relief goods ang ibang mga karatig na lugar sa kanilang nasasakupan.
Ngunit, ang Mayor ng Ormoc City na si Richard Gomez ay may kakaibang diskarte upang isa man sa kanyang nasasakupan ay hindi makaramdam ng gutom at mapanatiling ligtas sa COVID-19.
Ayon sa kanya, hindi na niya kailangang magrepack pa ng mga bigas dahil kung magrerepack pa ay baka hindi na umabot sa tamang oras, kaya naman mas minabuti niya na mamahagi na lang ng tig-isang sakong bigas sa mga mamamayan.
“If I opted to repack, I won’t be able to distribute everything on time. Matatapos na lang ang ECQ, di pa maaabutan lahat. Giving them one sack of rice at once will save me a lot of time and effort,”
Gumawa rin siya ng mabisang paraan upang mas mapadali ang pagbabahagi ng tulong, at hindi na niya ginawa ang nakaugaliang paraan ng ibang munisipyo sa pagbabahagi ng tulong.
Ayon sa kanya, ang paraan na kanilang ginawa ay hindi na umano kinakailangan ng listahan ng bawat bahay na bahagi ng kanyang nasasakupan dahil lahat ng bahay ay makakatanggap umano ng isang bigas. Masasayang rin raw ang oras kapag gagawa pa sila ng listahan.
“No need for lists. Each house got their supply. I have 67,000 constituents. You have an emergency here, and these people need immediate assistance. Why waste time in making a list,”
“If the ECQ is extended, we will distribute again another sack. As long as they have rice, that’t a lot off their shoulders. They will find ways to produce viand,”
Samantala, ang pondo na kanilang ginagamit ay mula sa calamity fund, general fund at 30% naman ang mula sa development fund.
Nananatiling ligtas ang mga mamamayan ng Ormoc City sa COVID-19 ngunit may mga naitala namang may kaugnayan sa naturang karamdaman ang inihiwalay na at kasalukuyang naka-quarantine.