Mag-asawang Manny At Jinkee Pacquiao, Ipinaghanda At Ipinagluto Ng Almusal Ng Kanilang Mga Anak Na Sina Mary At Queenie

Tunay nga na napakasarap sa pakiramdam ang maramdaman at makita ang pagmamahal ng pamilya. Hindi rin naman matatawaran ang mga simpleng paraan na ginagawa upang mapasaya ang mga mahal sa buhay. Kagaya na lang ng mga magulang na ginagawa ang lahat upang mapaligaya lamang ang kanilang mga anak. Ngunit, iba rin ang hatid na kaligayahan sa mga magulang kapag ang pagmamahal na binibigay sa mga anak ay nasusuklian kahit sa simpleng paraan lamang.




Ang magkapatid ngang Mary At Queenie Pacquiao ay pinasaya ang kanilang mga magulang na sina Manny at Jinkee nang ipaghanda ang mga ito ng agahan at sila rin mismo ang nagluto ng pagkain para sa kanilang magulang.

Sa tulong ng mga kasambahay, nakapagluto sina Mary at Queenie ng pancakes, omellete at scrambled eggs para sa kanilang magulang.

Nang maluto at handa na ang almusal para kina Manny at Jinkee, excited naman ang magkapatid na matikman ng kanilang magulang ang niluto nilang pagkain.

Unang dumating sa hapag si Jinkee at tinikman ang luto ng kanyang mga anak. Nasiyahan naman si Jinkee at nasarapan sa simpleng pagkain na inihain sa kanya ng mga ito. Nang si Manny naman ang kumain, ipinagmalaki naman ni Jinkee na ang mga naturang pagkain ay iniluto at inihanda nina Mary at Queenie. Isa-isa namang tinikman ni Manny ang luto ng mga anak at nasiyahan rin sa lasa ng pagkain.

Maraming netizens naman ay humanga sa ipinakitang effort nina Mary at Queenie para sa kanilang magulang na talagang ipinadama ang kanilang pagmamahal sa mga ito. Makikita naman ang pagiging humble at simple sa kanilang pamilya.




Narito ang ilang komento ng mga netizens tungkol sa video na naghatid ng inspirasyon sa pagiging mabuting anak nina Mary at Queenie.

“When you have great set of parents it will show in childrens behavior!! These girls are so sweet!! Considering how rich they are,they are still very humble! We all know how many people Senator Manny helped,hindi man po ako Naka benefit doon I’m still thankful for his contribution kasi now days it’s absolutely needed. Thank you!”

“Well-mannered girls. How they greet and treat their house personnels is a great proof. Kudos to this family! May God bless you more.”

“Sila yung tipong sobrang yaman pero sobrang simple lang ang buhay. Hindi maarte ang mga kwarto, ang damit simpleng pambahay lang hindi tulad ng iba na nsa bahay lang nka porma pa, may respeto sa magulang, may respeto sa mga kasambahay, mabait, matulungin sa kapwa at higit sa lahat hindi nkakalimot sa Diyos. Mabait si Senator Manny kaya mana mana lang yan”

“Though they live a luxurious life, still, their family is humble and respectful. Good job girls! God bless!”

“I love how these kids were raised. Simple. Set aside the money Jinky and Manny still lives a simple yet elegant life.”

COOKING BREAKFAST FOR MY PARENTS!!! | Mary Pacquiao and Family |