Mag-asawa Nakapagpatayo Ng Pangarap Nilang Simpleng Bahay Sa Halagang P150,000

Marami sa atin ang naghahangad na makapagpatayo ng pangarap na bahay, ngunit dahil na rin sa kahirapan ng buhay at kawalan ng sapat na salapi upang maging panimula, mas pinipili na lang natin ang mangupahan.




Ngunit, kung tayo ay magsusumikap sa buhay at gagawa ng paraan upang makapag-ipon ng salapi para sa minimithing bahay, tiyak na ang hinahangad na pangarap na bahay ay maisasakatuparan.
Isang inspirasyon nga ang hatid ng isang post sa facebook page na “Lovely House Design” mula sa maybahay na nangangarap magkaroon ng sariling bahay.

At dahil nga sa kanilang matinding pagnanais magkaroon ng sariling bahay, ang pangarap nilang bahay ay naisakatuparan na.

Nakilala ang netizen na si Chang Agbon Villacuer Alipio kung saan ibinahagi niya ang mga larawan ng kanilang simple ngunit napakagandang bahay.

Ayon kay Chang, bagamat marami silang problemang pinagdaranan, lalong-lalo na problemang pinansyal, hindi ito naging hadlang sa kanila upang makapagpatayo at maisakatuparan ang pangarap nilang sariling bahay.




Dahil na rin sa pagsisikap ng kaniyang asawa sa trabaho, samantalang siya naman ay nagtatrabaho sa gasoline station, at sa tulong narin ng pagtutulungan nila bilang mag-asawa upang makapag-ipon, natupad na nga ay kanilang pangarap na sariling bahay.

Hinikayat naman ni Chang ang mga netizens na patuloy lang sa pag-abot ng kanilang mga pangarap at huwag susuko dahil kung magtiyatiyaga at magsusumikap sa buhay tiyak na magbubunga rin ang lahat ng paghihirap at maisasakatupan ang pangarap na minimithi.

“Pa post po dito share ko lang bahay namin kahit hindi pa tapos sariling sikap ng asawa ko kahit sa gas station lang nagtatrabaho.. para makabukod kami at may sariling bahay kahit simple lang.”
“Sa mga nagtatanong kung magkano na po ung nagastos namin nito mga 150 (thousand pesos) mahigit kasi ung mga kahoy na gamit dito samin, may bukid kami may mga tanim kahoy.”




Nagbigay rin siya ng detalye sa mga nagastos nila sa bawat parte ng bahay na kanilang ipinatayo.

Ayon sa mag-asawa, ang pinakamalaki umano nilang gastos ay umabot ng P30,000 na kung saan ay napunda sa mga semento bilang pundasyon ng bahay.

Sumunod naman ang glass window na nagkakahalaga ng P23,000 at dagdag pa rito ang tiles sa sahig na umabot naman sa halagang P15,000.

Sa bubong naman, ang pinili nilang bubong ay yung ordinaryo ngunit may kakapalan naman na nagkakahalaga ng P300 bawat isa at umabot ng kabuuang gastos na P10,000.




Ang hallow blocks naman na ginamit sa kalahating bahagi ng kanilang bahay ay umabot naman ng P7,000. Isama na rito ang mga pinto na may doorknobs.

Samantalang ang kawayan o bamboo strips na kanilang ginamat na nagbibigay ng magandang disenyo sa kanilang bahay ay nagkakahalaga naman ng P5,000.

Nag-iwan naman si Chang ng mensahe sa mga netizens na nagnanais ring magkaroon ng sariling bahay.




“Kaya sa may balak magkabahay, walang imposible kung gugustuhin. Kami nga na simple lang buhay namin dito nakaya naming. Sana diyan sa post naming bahay may nakuha kayong mga ideas.”