Kilalanin: Sikat na mga Male Celebrities na Naging Ama sa kanilang Pagkabinata

Minsan sa buhay natin, may mga pagkakataon na maaga tayong umiibig at dala na rin ng tukso, nagbubunga ng supling ang pagmamahal na alay natin sa taong minamahal natin. Sa hindi rin inaasahang pagkakataon, dahil bata pa at hindi pa handa sa responsibilidad ay nauuwi naman sa hiwalayan ang pagsasama ng hindi man lang naikakasal.

May ilan rin naman na talagang pinatunayan ang pagmamahal sa isa’t isa ang kanilang pagmamahal, hindi lamang sa supling na bunga ng pag-iibigan kundi maging sa taong minahal at piniling pakasalan.




Hindi madali ang pagiging isang ina dahil sa dami ng responsibilidad na nakaatang sa balikat bilang isang magulang, ngunit higit naman na mas mahirap para sa isang ama ang maging isang ilaw ng tahanan. Mga ama sa hindi inaasahang pagkakataon o maituturing na, nagkaroon ng anak sa kanilang pagkabinata.

Kilalanin natin ang mga sikat na personalidad na nagkaroon ng anak sa kanilang pagkabinata.

Richard Gutierrez

Si Richard Gutierrez at Sarah Lahbati ay isa sa mga hinahangaang celebrity couple sa industriya ng showbiz. Ang kanilang pagmamahalan nga ay agad nagbunga at biniyayaan ng supling noong 2013. Una ngang nasilayan ang panganay nilang anak na si Zion sa nasabing taon.

Ayon sa aktor, malaki raw ang ipinagbago ng buhay niya simula ng masilayan niya ang kanyang anak na si Zion. Dagdag pa ng aktor, ito raw ang nagpapawala ng stress at pagod niya sa trabaho.
Bagama’t, hindi pa sila kasal nang isilang si Zion, nauwi naman ang kanilang pagmamahalan sa pag-iisang dibdib noong Marso 14 ng kasalukuyang taon.




John Lloyd Cruz

Ayon sa mga balita, ang relasyon umano ni John Lloyd Cruz kay Ellen Adarna ay nagbunga ng isang anak. At ang anak raw nila ay ipinanganak sa mismong kaarawan ng aktor. Ayon pa sa report, ang pangalan ng baby boy nila ay kinuha mismo ni Ellen sa yumao niyang ama.
Sa kasalukuyan, may mga kumakalat naman na balita na hiwalay na umano sina John Lloyd at Ellen. Ngunit, hindi naman ito naging hadlang upang gampanan ni John Lloyd ang kanyang pagiging ama. Nagtutulungan naman silang dalawa upang mapalaking maayos si Elias.

Paolo Ballesteros

Hindi naman lingid sa publiko ang pagkakaroon ng anak na babae ni Paolo Ballesteros. Proud na proud pa nga siya sa kanyang unica hija na si Keira Claire Ballesteros. Bagama’t, palaging abala sa kanyang trabaho, naglalaan pa rin siya ng oras upang makabonding ang kanyang anak.

Marvin Agustin

Ang aktor naman na si Marvin Agustin, maliban sa kanyang pag-aartista, ay abala rin ito sa kanyang mga negosyo. Ngunit, hindi naman ito naging hadlang sa kanya upang makapaglaan ng oras sa kanyang kambal na anak na sina Sebastion at Santiago para makabonding ang mga ito.




Piolo Pascual

Ang kilalang aktor naman na si Piolo Pascual at Inigo Pascual ay maituturing na may father and son tandem. Ngunit, kadalasan silang nababash ng ilang netizens. Maging ang mga simpleng bagay na ginagawa ng ama para kay Inigo kagaya na lamang ng pagtulog sa tabi nito ay binibigyan pa ng malisya.

Ngunit sa kabila nito, labis namang ipinagmamalaki ni Piolo ang anak na si Inigo dahil lumaki itong isang mabuting tao at may respeto sa kapwa.

Vhong Navarro

Hindi naman ikinakaila ng aktor at komedyanteng si Vhong Navarro na nagkaroon siya ng dalawang anak sa kanyang dating asawa. Ngunit, kahit na ang kanilang pamilya ay nauwi sa isang broken family, hindi naman nagkukulang si Vhong na iparamdam ang pagmamahal sa mga anak na sina Isaiah Lapus at Frederick Bruno. Naglalaan rin ng oras si Vhong upang maipasyal ang kanyang mga anak sa iba’t ibang lugar sa labas man o loob ng bansa.

Paolo Avelino

Isa na nga sa mga naging laman ng kontrobersiya ang aktor na si Paolo Avelino. Matatandaan na naging matunog ang pangalan ng aktor tungkol sa usapin ng pagkakaroon nito ng anak sa aktres na si LJ Reyes. Si Ethan Akio Reyes ang naging bunga ng kanilang pagmamahalan. Ngunit, nagkahiwalay rin ang dalawa. Sa kabila nito, naniniwala naman si Paolo na balang-araw magiging maayos rin ang relasyon niya sa kanyang anak na si Ethan.




Jericho Rosales

Ang 38 gulang naman na aktor na si Jericho Rosales ay labis na ipinagmamalaki ang anak na si Santino sa mga achievements na nakamit nito. Samantala, sa mga hindi nakakakilala kay Jericho at anak niya, kadalasang nagkakamali ang mga ito sa pag-aakalang magkapatid lamang ang mga ito. Dahil na rin sa batang bata at fresh looks nito.

 Ion Perez

Noon pa man ay inamin na ni Ion ang kanyang pagkakaroon ng anak. At sinabi rin niya na kasalukuyan itong nakatira sa puder ng kanyang dating kasintahan.
Ayon pa kay Ion, nakikita at nakakasama lamang njya ito sa tuwing ipinapahiram ng nanay sa kanya. Gayunpaman, hindi naman nagkukulang si Ion sa paglalaan ng oras at pagpaparamdam ng pagmamahal sa kanyang anak.