Ang Miss Universe 2015 na si Pia Alonzo Wurtzbach ay ang pangatlong Filipina Beauty Queen na nagwagi at nakamit ang titulo ng Miss Universe. Si Pia ay labis na ipinagmamalaki ng ating mga kababayan sa nakamit na karangalan bilang pangatlong Miss Universe ng ating bansa. Una ngang nagkamit ng titulo ng Miss Universe ay si Gloria Diaz noong taong 1969 at sinundan naman ito ni Margarita Moran noong taong 1973.
Ang napakaganda at kahanga-hangang si Pia ay modelo, acktres at TV Personality bago siya maging beauty queen at makamit ang titulo bilang Miss Universe. Sumali rin siya sa reality show na Star Circle at naging bahagi ng Batch 11 ng naturang show. At nang ganap ng maging Miss Universe, tuluyan na niyang pinasok ang mundo ng showbiz kung saan marami siyang naging proyekto na talagang nakita ang kaniyang husay at galing sa pag-arte na hinangaan ng publiko. Kabilang na nga sa mga Kapamilya shows at pelikula na kaniyang nagawa ay ang mga sumusunod: Kung Ako Na Lang Sana, All About Love, All My Life, My Perfect You, at Gandarrapido: The Revenger Squad.
Si Pia ay may taglay na lahing banyaga dahil ang kaniyang ama ay isang German na nagngangalang Uwe Wurtzbach samantalang ang kaniyang ina naman na si Cheryl Alonzo Tyndall ay isang Pilipino. Si Pia at ang kaniyang kapatid na si Sarah Wurtzbach ay ipinanganak sa Stuttgart, Germany.
Sa naging panayam kay Pia sa Magandang Buhay, nabanggit niya na mayroon siyang napakaganda at supportive na nakababatang kapatid na nagngangalang Sarah.
Ngunit ayon kay Pia, itinuturing niya raw si Sarah bilang nakakatanda sa kaniya dahil may mga pagkakataon na mas vocal at honest ito. Ibinunyag rin ni Pia ang pagiging strikto ng kapatid pagdating sa kaniyang buhay pag-ibig at mga manliligaw. Ngunit, may napakahalagang papel si Sarah na ginampanan sa buhay niya dahil ito umano ang humikayat sa kaniya na huwag sumuko sa pagsali sa Bb. Pilipinas kahit na dalawang beses na siyang natalo sa patimpalak na ito.
Kaya naman hindi sumuko si Pia sa patuloy na pag-abot ng kaniyang pangarap bilang Miss Universe, at patuloy na sumali sa pageant ng tatlong beses. Dahil na rin sa kaniyang pagpupursige at pagsusumikap maabot ang pangarap, nagbunga na nga ito nang makamit niya ang tagumpay nang siya ang hinirang na Miss Universe noong 2015.
Ang titulo ngang nakamit ay isang napakalaking tagumpay sa buhay ni Pia, dahil siya na nga ang pinakamagandang babae sa buong mundo. Isa ring pagbabago sa kaniyang buhay ang tagumpay na ito.
Noong December 20, 2015 nga ang araw na hindi makakalimutan ng lahat dahil ito ang pinakakontrobersyal na pangyayari sa Miss Universe dahil ang host na si Steve Harvey ay nagkaroon ng pagkakamali sa pag-anunsyo ng itinanghal na Miss Universe. Nagkamali si Steve sa pag-anunsyo ng panalo, at ang kaniyang itinanghal bilang Miss Universe ay si Miss Colombia na si Ariadna Gutierrez.
Ngunit makalipas ng ilang minuto, labis ang paghingi ng paumanhin ng host sa kaniyang pagkakamali. At kaniya na ngang ibinunyag at malugod na inanunsyo ang tunay na panalo at nagkamit ng korona ng Miss Universe, at ito ay walang iba kundi si Pia Alonzo Wurtzbach. Maraming netizens ang nagulat sa naging resulta ng pageant at nagbigay ng kanilang komento at reaksyon sa nangyari.
Hindi naman matatawaran ang labis na kasiyahan ng ating mga kababayan kung saan ay labis na ipinagmamalaki si Pia sa kaniyang nakamit na tagumpay bilang Miss Universe. Kung saan ay maituturing naman na tagumpay ng bansang Pilipinas.