Kilalanin Ang Napakagandang Anak Ni Ogie Diaz Na Si Erin

Si Ogie Diaz ay kilala bilang isang komedyante, aktor at showbiz reporter sa industriya ng showbiz. Nakilala naman siya sa kanyang pagganap bilang “Pekto” sa longest-running show na “Palibhasa Lalake”.

Bagama’t, bukas siya sa madla sa kanyang pagiging bakla, mayroon pa rin naman siyang asawa sa katauhan ni Georgette del Rosario na halos 20 taon na niyang kasama. Ang kanilang pagsasama naman ay biniyayaan ng 5 anak. Ang panganay nga nilang anak na si Erin ay lumikha ng ingay sa social media kamakailan dahil sa kanyang mga vlogs.




Isa nga sa mga videos ni Erin na nag-viral ay ang video patungkol sa prank na kanyang ginawa sa kanyang amang si Ogie. Maraming netizens ang namangha sa nasaksihang reaksyon ng beteranong komedyante.

Labis naman ang pagmamahal ni Ogie sa kanyang panganay na anak kung saan ay inilarawan niya ito bilang isang responsableng anak na maaasahan sa anumang bagay pagdating sa kanilang tahanan. Para kay Ogie, si Erin ay isang napakabuting anak at tunay na maaasahan.

Una namang natuon ang pansin ng publiko kay Erin nang maglaan si Ogie ng isang masaya at hindi makakalimutang debut party para sa kanyang anak. Sa nasabing magarbong okasyon ay naging bisita nila ang mga sikat na artista kagaya nina Liza Soberano at Vice Ganda. Ang mag-amang Ogie at Erin ay nasilayan na rin sa telebisyon kung saan naging guest sila sa Kapamilya morning show na Magandang Buhay noong Oktubre.

Samantala, marami namang netizens ang napansin ang pagiging magalang at mabait na bata ni Erin sa kanyang mga magulang. Kaya naman, nakakatuwa na puro positibong komento ang natanggap ni Erin mula sa publiko.




Marahil, maraming magulang ang nagnanais ring magkaroon ng anak na kagaya ni Erin. Maliit man ang kanilang pamilya kumpara sa ibang pamilya, makikita naman sa kanila ang masaya at kahanga-hangang pamilya. Makikita naman na punong-puno ng pag-aalaga at pagmamahal ang bawat-isa sa kanila.

Kahanga-hanga naman ang pagiging mabuting ama ni Ogie sa kanyang mga anak kung saan ipinapakita niya ang kanyang determinasyon sa pag-aalaga at pagmamahal sa mga ito sa pamamagitan ng pagsusumikap sa trabaho.




Palagi rin niyang inuuna ang mga prayoridad, naniniwala rin siya na ang pamilya ang dapat unahin kaysa sa anumang bagay.

Erin turns 18 | Same Day Edit by Nice Print Photography